Default Thumbnail

Wanted sa Zambo tiklo sa San Mateo

February 4, 2022 Jonjon Reyes 353 views

ISANG 40-anyos na lalaki na nagtago umano ng halos 15 taon ang matunton ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa San Mateo Rizal , martes ng gabi.

Kasong frustrated murder ang kinahaharap ng suspek na nakilalang si Arnel Durias, may asawa , operator ng elector tower Crane at nanunuluyan sa 150 Purok U40no St., Buntong Palay, Silangan, San Mateo, Rizal.

Base sa ulat ni P/ Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ( DSOU) ng MPD, nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan si P/ Capt. Renante Bayona Benitez, OIC ng Pitogo MPS Zamboanga Del Sur Philippine National Police , hinggil sa pinaglulunggaan ng most wanted sa kanilang lugar.

Kasama ang grupo ni P/ Major Pura , mga miyembro ng NCRPO na pinangungunahan ni P/ Major Emmark Dave Apostol ay tinungo nila ang lugar sa San Mateo bandang 7:30 p.m.

Iningusp ng testigo si Durias sa harap ng bahay sa tinutuluyan nito. Hindi na nakapalag pa ang suspek nang ihain dito ang arrest warrant na inisyu ni Judge Edilberto G. Absin, ng 9th Judicial Region, RTC Br anch 29 , San Miguel City, Zamboanga Del Sur para sa kasong frustrated murder na may petsang March 3, 2007.

Nasa P280,000 ang nakalaang piyansa kay Durias na inamiyendahan ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pinapurihan naman ni MPD- District Director P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco ang kanyang mga tauhan sa pagkakadakip sa suspek. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE