Default Thumbnail

Wanted sa robbery, huli sa Paco manhunt

April 29, 2023 Jonjon Reyes 218 views

BINITBIT ng mga awtoridad ang isang nasa “top 8 most wanted” na may kasong robbery makaraang matunton ito sa Santiago Street, Paco, Maynila, madaling araw ng Sabado.

Ayon kay P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District (MPD) Ermita Police Station (PS) 5, bandang 12:40 ng madaling araw nang mamataan ang suspek na papauwi ito ng kanilang bahay.

Una nang pinostehan nina P/Capt. Albert Badiola, hepe ng MPD Paz Police Community Precinct (PCP), kasama ang mga tauhan ni P/Capt. Jose Gumilan, hepe ng Station Intelligence and Warrant Section.

Agad na inaresto ang suspek at isinilbi ang arrest warrant nito na ibinaba ng Regional Trial Court, Branch 12 na may petsang Nob. 17, 2022 dahil sinasabing “akyat-bahay” ang akusado at paglabag sa Revised Penal Code Article 299.

Gayunman, may inilaang piyansang P72,000 ang korte para sa pansamantala nitong paglaya.

Ayon kay Gutierrez ; ipinatutupad lamang nila ang “Manhunt Charlie” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na programa ni MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon at sa programang SAFE (“Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions”) ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Maj. Edgar Allan Okubo.

AUTHOR PROFILE