Default Thumbnail

Wanted: Mga bisita ni Angel Locsin

May 5, 2021 Allan L. Encarnacion 322 views

UMAAPELA ngayon ang pamahalaang Lungsod ng Quezon sa mga nagpunta sa community birthday pantry ni Angel Locsin na magtungo sa mga health centers or mga ospital para magpa-COVID test.

Kasunod ito ng pagpositibo ng ilan sa mga dumalo sa naturang chaotic food distribution na lantarang paglabag sa health protocols. Sinabi ng city government na 10,000 pala ang mga dumalo sa pantry ni Angel kaya malaking sakit ng ulo ngayon nila ngayon kung saan hahanapin ang mga ito.

May unang lumabas na balita na apat na sa mga dumalo ang positibo sa COVID pero nitong isang araw, may dalawa na naman. Hindi natin alam kung anim na ang actual na nag-COVID positive na mga bisita si Angel o dalawa lang talaga.

Ipagpalagay na nating dalawa lang, huwag na anim para mas magandang pakinggan. Pero kung two out of six yan, ibig sabihin 30% na halos yan kaya hindi nating masisi ang QC government sa kanilang panawagan.

Si Angel Locsin naman ang nagpalabas sa kanila noong magpunta sa community pantry, wala naman sigurong masama kung siya rin ang manawagan ngayon sa mga taong ito para lumantad at makipagtulungan sa pamahalaang lokal.

Nananawagan din tayo sa mga taga-QC, baka may mga kakilala kayo, mga kamag-anak, kaibigan o kapitbahay na naging bahagi ng pantry ni Angel na payuhang makipagtulungan sa pamahalaang lokal. Lalo na iyong may mga sintomas ng lagnat o ng kahit anong karamdaman para ma-test or ma-isolate kung kailangan.

Malaki ang problema natin kapag 30% sa mga dumalo sa pantry ni Angel ay magkasakit dahil magiging virus spreader sila sa komunidad. Hihintayin natin ang effort ni Angel na manawagan sa kanyang mga fans na makipagtulungan sa pamahalaang-lokal bago pa lumubha ang sitwasyon.

Tigilan na muna natin yang Fans Day alias community pantry na yan kung hindi natin malalagyan ng sistema. Inilalagay natin sa panganib ang buong komunidad kung kanya-kanya tayo ng sistema.

Attention Madame Angel Locsin, baka puwede kang tumulong sa QC government sa paghahanap sa mga bisita mo.

[email protected]