Bautista

Walang mawawalan ng trabaho sa MIAA

March 9, 2024 Jun I. Legaspi 94 views

TINIYAK ng liderato ng Department of Transportation (DOTr) na walang tauhan ang Manila International Airport Authority (MIAA) na mawawalan ng trabaho sa sandaling iturnover na ng gobyerno sa pribadong kumpanya ang operations and maintenance sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa modernisasyon.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista, bahagi ng concession agreement sa pagitan ng DOTr at SMC-SAP, Inc. na mananatili ang mga kasalukuyang empleyado ng MIAA.

“Part of the concession agreement is for the concessionaire to offer positions to existing employees of Manila International Airport Authority,” pahayag ni Bautista.

“Be it regular employees, contract of service or job order. Ibig sabihin, walang mawawalan ng trabaho dito,” dagdag pa ng opisyal.

Muling tiniyak ni Bautista na ipaprayoridad ng incoming concessionaire ang pag-hire sa mga kasalukuyang empleyado at mag-aalok pa ang concessionaire ng trabaho sa mga tauhang nasa linya ng kanilang operasyon.

Ang mga empleyado naman na hindi sangkot sa operasyon ay mananatili sa ahensya.

“If you believe you have a particular skill-set necessary to keep this airport functioning, you have no reason to be anxious,” diin ni Bautista.

Idinagdag ni Bautista na tututukan ng MIAA ang pagiging airport regulator habang ang concessionaire na ang in charge sa operations and maintenance ng NAIA.

“The whole exercise is intended to modernize NAIA, bring it in step with global aviation transformation,” paliwanag ni Bautista.

HInimok naman ng klaihim ang MIAA employees na tumulong sa gobyerno sa pagbabalik ng reputasyon ng NAIA bilang isa sa world’s premier gateways.

“We need to reverse NAIA’s world’s worst airport repute. That needs to happen fast. Make sure you have the right morals and values when the transition starts,” diin pa niya.

AUTHOR PROFILE