Vic

Viva, patuloy sa paggawa ng de-kalidad na content — Boss Vic

November 29, 2022 Ian F. Fariñas 123 views

MAKAKAASA ang fans sa patuloy na paggawa ng mga de-kalidad na pelikula at iba pang content ng Viva Entertainment.

‘Yan ang pangakong binitawan ng Viva big boss na si Vic del Rosario sa kanyang virtual acceptance speech nang tanghalin ang film outfit bilang Producer of the Year sa katatapos na 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na idinaos sa makasaysayang Metropolitan Theater Linggo ng gabi.

Mula sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic hanggang 2021, hindi tumigil ang Viva sa pagpoprodyus ng mga materyal para sa entertainment ng maraming Pilipino na nakulong sa bahay.

Nag-adapt din ang kumpanya sa malaking pagbabago sa landscape ng entertainment sa pamamagitan ng pagbubukas ng online streaming platform na Vivamax, na nagbigay daan sa mga bagong bituin gaya nina AJ Raval, Christine Bermas, Angeli Khang, Ayanna Misola at marami pang iba.

Ngayong 2022, Viva rin ang bukod-tanging namayagpag sa takilya nang ipalabas sa mga sinehan ang blockbuster movie na Maid in Malacañang na dinirehe ng controversial director na si Darryl Yap.

Tumabo ang pelikula na pinagbidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, atbp. ng halos P1 billion mula sa screenings dito at sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Boss Vic na, “Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng EDDYS sa pagkilala sa Viva bilang movie Producer of the Year. Maaasahan n’yo na patuloy pa rin ang Viva sa paggawa ng mga quality content para sa mga Pilipino saan man sa mundo. Mabuhay ang pelikulang Pilipino.”

AUTHOR PROFILE