Jake

Jake, ’di pa handa makipagrelasyon

November 29, 2022 Vinia Vivar 109 views

Ayon kay Jake Cuenca, kailanman ay hindi siya nagduda sa kanyang sexuality dahil lang gumaganap siya sa gay roles tulad ng papel niya sa Metro Manila Film Festival 2022 movie na My Father, Myself.

“To be very honest with you, I’ve always been confident with my sexuality,” pahayag ni Jake sa presscon ng nasabing movie.

“Kaya rin po ako walang takot na tumatanggap ng ganitong project kasi I don’t really question myself or my sexuality,” he said.

Bilang isang aktor, siyempre raw ay kailangang maging professional ka at gampanan mo nang maayos ang hinihingi sa iyong karakter.

Nagpapasalamat daw siya na may mga ganitong project na talagang sumusubok sa versatility niya as an actor.

Samantala, zero ang lovelife ngayon ni Jake after his breakup with Kylie Verzosa. Aniya, hindi pa siya ready na pumasok ulit sa isang relasyon.

“Ngayon po, eh, ano lang talaga, ‘yung focus ko ay nasa career, nasa goals. Siyempre three years ang nawala, three years tayong nagpahinga, three years tayong nanahimik.

“So, right now, tulad ng sabi ko kanina, I do feel na parang may na-realize ako na potential ko at gusto kong i-exercise ‘yan ngayon. Kaya naman ‘eto ‘yung mga projects na tinatanggap ko.

Hinahanap ko ‘yung mahihirap at challenging talaga. Kasi nga, gusto kong i-challenge ang sarili ko.

“Three years akong parang feeling ko, napahinga, so, parang ngayon, gusto kong mag-teatro, gusto kong gumawa ng pelikula, gusto kong mag-TV, gusto kong mag-stream, gusto kong gawin lahat,” aniya.

COUN. ALFRED, MAS GANADONG TUMULONG SA DISTRITO

Para kay Alfred Vargas, malaking karangalan ang tinanggap niyang Isah V. Red (IVR) award sa katatapos na 5th The Eddy’s Awards Night ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Ang Isah V. Red Award ay isang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red.

Ang IVR awardee ay iginagawad sa mga indibidwal para sa kanilang humanitarian efforts toward alleviating the conditions of people adversely affected by the COVID-19 pandemic.

Isa si Alfred sa mga celebrity na talaga namang napakaraming naitulong hindi lang sa mga constituents sa 5th District kundi maging sa mga taga-showbiz nitong pandemic.

Pero hindi niya inaasahan na mapapansin ng SPEEd ang mga ginawa niya nitong pandemic.

“Tuwing tumutulong ako, wala naman tayong ini-expect na kapalit. Turo sa ’kin ng Nanay ko, helping others is its own reward. Totoo naman. Napakasarap ng pakiramdam kapag nakaktulong ka sa tao, ‘di ba?

“Kaya ako siguro nilagay ni Lord dito sa public service para mas marami pa tayong matulungan along the way.

“Turo sa school noong bata pa ako: “To give and not to count the cost… to labor and ask not for reward,” pahayag pa ni Alfred.

“Basta big honor for me ang award. Mas ganado pa ‘ko ngayon na lalong paigtingin ang mga project sa distrito because of this award,” saad ni Alfred.

AUTHOR PROFILE