Valeen engaged na

November 29, 2022 Aster Amoyo 172 views

Pic1Pic2Aga

IT was last Saturday, November 26 when former Kapuso actress Valeen Montenegro (32) announced on her Instagram account that she’s now engaged to  her non-showbiz boyfriend na si Riel Manuel.

The engagement happened Thursday, November 24.

“What seemed to be an ordinary Thursday, unexpectedly turned into my favorite day (heart emoji),” post ni Valeen.

“Ang saya…ngayon bato na (ring emoji)!”. Si Valeen ay nagsimula sa bakuran ng Star Magic ng ABS-CBN in 2006 until 2008. Pagkatapos nito ay lumipat siya ng TV5. In 2015 ay naging Kapuso siya hanggang 2019. Siya’y nasa pangangalaga ngayon ng VEDA Productions pero napapanood pa rin sa mga programa ng GMA.

Si Valeen ay apo ng yumaong dating matinee idol at lead actor na si Mario Montenegro at actress na si Letty Alonzo.

Si Mario (Roger Collin Macalalag in real life) ay sumakabilang-buhay nung August 27, 1988 dahil sa atake sa puso at age 60. Sa pamilya ng yumaong actor, tanging si Valeen lamang ang pumasok sa showbiz. Ang ama ni Valeen na si Inaki Vicente ay dating football player ng
Philippine National Team. Si Valeen ay nagtapos ng Design and Merchandising degree sa De la Salle College of Saint Benilde nung 2013.

Aga, Charlene at mga anak, nagkasama-sama sa Paris event NAGKASAMA-SAMANG muli ang pamilya ng actor-host na si Aga Muhlach at misis nitong si Charlene Muhlach at twin children na sina Atasha at Andres sa Paris, France kung saan isa sa 20 debutants si Atasha sa taunang Le Bal des Debutantes na dinaluhan din ng singer, actress, painter, entrepreneur at fashion icon na si Heart Evangelista who now owns her own place in Paris.

Ang Le Bal des Debutantes is an annual invitational fashion and charity event in Paris participated in by about 20 to 25 ladies with age from 16 to 22 from all over the world na nagmumula sa mga kilala at prominenteng pamilya mula sa iba’t ibang sector – entertainment, business, politics, sports at iba pa.

Si Atasha na kasalukuyang nag-aaral ng college in London ay isa sa mga debutants this year, twin sister ni Andres na sa Spain naman nag-aaral. Sila’y mga anak ng mga kilalang personalities from showbiz in the Philippines Ang 20 ladies na kasama sa mga debutants ay magsusuot ng haute couture ng mga kilalang fashion designers in Paris. Magkakaroon din ng participation sa annual fashion and charity event ang father ni Atasha na si Aga maging ang twin brother niyang si Andres.

Kahit mahirap sa mag-asawang Aga at Charlene na mapalayo sa kanila ang twin children ay suportado naman nila ang further studies nila sa ibang bansa because they’re building their own future.

Sina Aga at Charlene na mismo ang bumibisita sa dalawang anak in Spain at London but during school breaks ay ang twins naman ang umuuwi ng Pilipinas to be with their parents laluna ngayong Christmas holidays.

Mga leksyon sa buhay ni Gina Pareno HINDI ikinakaila ng veteran award-winning actress na si Gina Pareno na sobra umano niyang, nami-miss ang acting. “Hinahanap ng katawan ko ang umarte sa harap ng camera,” pag-amin niya.

Si Gina who is Geraldine Acthley in real life (76) ay anak ng isang German- American father at Filipina mother pero hindi na nakagisnan ng aktres ang
kanyang ama.

Ayon sa veteran actress, wala umano siyang idea sa hitsura at identity ng kanyang ama dahil ultimo pictures nito ay itinago ng kanyang yumaong ina. Ang tanging sinabi ng kanyang ina ay kamukha umano niya ang kanyang ama. Growing up, hindi na umano niya kinulit ang kanyang ina tungkol sabiological father at mag-isa siyang binuhay nito as a single parent. Even at a young age ay ipinakita ni Gina ang kanyang interes na mag- showbiz. She was second year high school sa La Concordia College in Manila nang sumali siya sa “Dance O’ Rama” in 1963 hosted by the late Pete Roa, his wife

IMG

Boots Anson Roa at Baby O’Brien.

Tinanghal na Dance O’ Rama Queen si Gina at naging daan para ipatawag siya ni Doc Perez ng Sampaguita Pictures where she started first bilang extra sa mga pelikula ng film company hanggang sa mabigyan na siya ng mga lead roles.

Ang dating mga hinahangaan at pinapanood niyang mga artista sa bakuran ng Sampaguita ay halos lahat ay naka-trabaho niya including the late Movie Queen na si Susan Roces.

Aminado si Gina sa kanyang pagiging pasaway kahit nung contract star pa siya ng Sampaguita Pictures na pinagbabawalan silang pakalat-kalat o makita kung saan-saan lugar at hindi lalabas ng bahay nang hindi nakaayos.

Ang rules noon ng Sampaguita ay madalas hindi sinusunod ni Gina kaya madalas siyang ipatawag sa tanggapan ni Doc Perez at mabigyan ng memo pero paulit-ulit niya itong ginagawa.

“Hindi na kayang ma-stapler ang memo sa akin ni Doc Perez,” natatawa niyang pagpapabalik-tanaw.
“Kahit bawal kaming maggala kung saan-saan, ginagawa ko pa rin at nakakarating pa ako ng Divisoria,” aniya.

Pati ang drugs ay tinikman niya rin noon at naging daan ng kanyang pagkakakulong.

“Yun ang pinakamatinding leksyon sa buhay ko. Curious lang ako noon pero nadamay ako kaya ako nakulong,” pagbabalik-tanaw niya.

Paglabas niya ng kulungan ay unti-unting nakabangon si Gina at tuluyan niyang tinalikuran ang drugs na siyang nagpahamak sa kanya.

Magmula noon, there was no stopping Gina na kabi-kabila ang offers na dumating – pelikula at telebisyon. Kabi-kabila rin ang mga parangal na ibinigay sa kanya hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa.

Gina has two children na sina Raquel at Michael mula sa yumaong businessman na si Eddie Tajonera. May limang apo na rin siya. Tatlo kay Raquel at dalawa naman kay Michael.

Sa dalawang magkapatid, tanging si Raquel lamang ang sumunod sa mga yapak ng kanyang ina. She also acts as her mom’s driver and chaperone.

Umaasa si Gina na mabibigyan pa rin siya ng trabaho either sa pelikula o sa telebisyon.

“I miss acting,” aniya na huling napanood sa pelikulang “Tililing” ng Viva Films nung 2021 at ipinalabas sa Vivamax app. Her last TV appearance ay sa “Magpakailanman” ng GMA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE