Viva

Viva Cafe grand opening, star-studded

May 26, 2023 Ian F. Fariñas 1005 views

STAR-STUDDED ang katatapos na grand opening ng Viva Cafe na located sa ground floor ng Cyberpark Tower 1, Araneta Center Cubao, Quezon City.

Pinangunahan ni Viva big boss Vic del Rosario ang guest list kasama sina Senator Robin Padilla, Martin Nievera at iba pang malalaking artista ng Viva Entertainment Group.

Ang Viva Cafe ay kabilang sa humahabang listahan ng Viva restos sa bansa tulad ng Botejyu, Paper Moon, Wing Zone at Greyhound Cafe, na may bagong bukas ding branch sa Eastwood.

Samantala, ang Viva Cafe ay bukas mula Martes hanggang Linggo, 4 p.m. hanggang 2 a.m.

AUTHOR PROFILE