Bong

Bong-Beauty sitcom, papalit sa ‘The Clash’        

May 26, 2023 Jun Nardo 223 views

BUKAS, Linggo, malalaman ang grand winner ng GMA  singing search na The Clash 2023.

Ang apat an magbabardagulan sa kantahan ay sina Arabelle de la Cruz, Liana Castillo, Mariel Reyes at Alex Baculfo.

Milyon na premyo in cash and in contract ang mapapanalunan ng grand winner.

Ang sitcom nina Senator Bong Revilla Jr., Beauty Gonzales at Max Collins na Walang Matinik na Pulis sa Matigas na Misis ang kapalit ng kantahan.

*****************

Anak, witness sa talakan ng inang aktres at amang negosyante!

UMIRAL ang pagka-Marites ng ilang staff ng sinehan nang makita nilang pumasok sa screening ng isang foreign movie ang mag-asawa na ang babae ay taga-showbiz habang ang lalaki naman ay negosyanteng mayaman kasama ang kanilang anak.

Matagal nang natsitsismis na madalas hindi magkasundo ang mag-asawa kahit may anak na.

Nang pumasok sila sa sinehan, nakita ng isang usher ang tahimik na pagbabalitaktakan ng dalawa. Hanggang sa lumabas ang babae at sinundan siya ng lalaki.

Pagdating sa labas ng sinehan, hindi doon natapos ang balitaktakan nila. Nagtalakan daw talaga sila na para bang walang kasamang anak.

Lumayas na lang sila bigla habang ang anak, eh, hindi na-enjoy ‘yung games na paandar sa sinehan na kiddie games, huh!

Walang nagawa ang pobreng anak kundi sumunod na lamang sa pag-alis ng mga magulang niya.

AUTHOR PROFILE