Vice

Vice sa pagsabak sa pulitika: Ano ’yon, ipapahamak ko ang Pilipinas?

January 23, 2022 Vinia Vivar 173 views

Inamin ni Vice Ganda na may nag-alok sa kanya na tumakbo para sa isang mataas na posisyon ngayong 2022 elections. Ikinaloka raw niya ito.

Ikinuwento ito ni Vice sa vlog ni Dra. Vicki Belo titled Love and Life Advice from Vice Ganda.

Sa nasabing vlog ay may recorded question from Derek Ramsay kung may balak ba siyang pumasok sa pulitika at tulungan ang ating bansa.

Sagot ni Vice, kung tatanungin daw siya ngayon ay wala siyang kabalak-balak talaga although ayaw niya raw magsalita nang tapos dahil baka kainin niya raw ito.

“Pero sa ngayon, no,” sey niya.

Nang tanungin siya ni Dra. Belo kung may nag-offer na ba, umamin naman si Vice.

Ayaw na niyang sabihin kung anon’g posisyon pero mataas daw.

“Mataas na position na naloka ‘ko. Talagang… no, no, no.” sambit ng comedian/TV host.

Tinanong siya ni Dra. Vicki kung bakit ayaw niya at aniya, hindi siya magaling du’n although feeling daw niya ay pwede siyang manalo.

“Feeling ko puwede akong manalo kasi marami akong followers, marami akong fans, baka maraming bumoto sa akin, maraming natutuwa sa akin.

“Pero ako sa sarili ko, ngayon, hindi ako magaling du’n. So bakit ako pupunta do’n? Ano ‘yun, ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run, no, hindi ganu’n,” paliwanag niya.

Um-agree naman si Dra. Vicki at sey niya, nakakatulong na raw si Vice by making the Filipinos laugh lalo na in times of hardship.

“By inspiring us with words of wisdom and your life is an inspiration,” papuri pa niya kay Vice.

Payo naman ni Vice sa mga tao, “Live your life, be happy, life is uncertain, live your life, own your life and be happy and be grateful with your life.”

SHARON, NAGLULUKSA

Nagluluksa si Sharon Cuneta ngayon dahil sa pagyao ng isa sa kanyang loyal Sharonians.

Sa kanyang Instagram post ay binigyan niya ng tribute ang kanyang avid fan na si Cha at inalala ang mga sandaling nakasama niya ito noong nabubuhay pa.

“My dearest ShaCha, I told you ‘Fight, Cha, that is an order from Mama!’ And you did. You gave your best, but God wanted you home where there is no more pain, struggling, worrying…

“I will forever treasure the times we spent together; my visiting you when you came to Manila and our talk then, our talks whenever I saw you.

“You were a very brave girl… a very sweet, loving person who always held on to your faith in God. I am so very proud of how you fought to stay with us longer… and I cannot believe that I will never see you, talk to you, hold you, hug and kiss you again…

“But rest well in God’s loving arms, Cha… Please watch over me, over us all from heaven… Our deepest condolences to your Mama and your whole family… I love you very much, and forever will…,” pahayag ng Megastar.

AUTHOR PROFILE