Vice

Vice nanghihinayang sa dream project kasama si Jaclyn

March 6, 2024 Vinia Vivar 73 views

Nanghihinayang si Vice Ganda na hindi na matutuloy ang dream project niya kasama ang yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

Kwento ni Vice, nai-pitch na niya sa isa sa mga bossing ng Star Cinema ang dream project niya with Jaclyn kung saan ay mag-ina ang kanilang role.

“Gusto ko ‘yung parang indie (independent film) type na movie pero comedy na drama na serious na indie type na mag-nanay kami. ‘Ay maganda ‘yan,’ sabi nila, ‘for a change.’ Sabi ko, ‘gusto ko ‘to for ano lang, gusto kong magkaroon ng ganitong pelikula,’” sey ni Vice sa panayam ng ABS-CBN.

“Eh, hindi na siya matutuloy,” malungkot niyang sambit. “Nakakapanghinayang.”

Nagkasama na sina Vice at Jaclyn sa Metro Manila Film Festival 2018 na “Fantastica.” Bago ito ay nakatrabaho na rin niya ito sa teleseryeng “Dyosa” ni Anne Curtis noong 2009.

“Sidekick niya ako sa ‘Dyosa’ bilang ako si Salamisim. Ako ‘yung inuutus-utusan niya do’n. So meron na kaming relationship,” sey ni Meme Vice.

“Mabait siya talaga, baklang-bakla, madali siyang pakisamahan, mahusay siyang makisama, hindi siya nakakatakot, mapagbigay siya,” paglalarawan pa ng Unkabogable Star sa pumanaw na nanay ni Andi Eigenmann.

AUTHOR PROFILE