Sarah1

Sarah bet maka-collab ang BTS member

March 6, 2024 Vinia Vivar 105 views

Kasalukuyang nasa US si Sarah Geronimo with husband Matteo Guidicelli para personal na tanggapin ang Global Force Award sa annual Billboard Women in Music.

Ang Popstar Royalty ang first Filipina recipient ng nasabing award at nakatakda ang awarding ngayong March 6 sa YouTube Theater sa California.

Nakakatuwa nga si Sarah dahil pagdating nila sa US ay nagawa pa niyang magpa-question and answer sa Popsters.

Inanunsyo ng misis ni Matteo sa X ang Q&A last Tuesday. Tweet niya, “Game! Just send your questions dito using #AskSarahG and tag me. Will reply later!”

At isa-isa na ngang sinagot ni Sarah ang mga tanong sa kanya.

Una niyang sinagot ang tanong kung kumusta ang naging biyahe nila pa-USA. Sagot ng Popstar, “Good naman, safe naman kami. Smooth naman flight. Having breakfast now.”

Tinanong din siya kung ano ang una niyang kinain pagdating sa LA at sagot ng singer/actress, “vegan carbonara.”

Isa pang tanong ay kung ano ang nararamdaman niya ngayong malapit na ang awarding sa Billboard.

Ani Sarah, “Iba iba. Mixed emotions – excited, nervous! Looking forward to the event. Honored because I’ll be there to represent the Filipino Music Industry.”

Tanong naman ng isa pang netizen, “Already have plans to go international after the @Billboard Women In Music Awards?”

Sarah replied “If given the chance, why not. But of course I am open to working with International Artists if given the opportunity.”

Asked kung sino ang K-pop group na gusto niyang ma-meet or maka-collaborate, ani Sarah ay si Jungkook ng BTS.

“I love JUNGKOOK. I think he is an amazing artist. Ang galing niya sobra.”

Needless to say, pinagkaguluhan ng ARMY (fandom ng BTS) at iba pang fans ng nasabing South Korean boy group ang sagot ni Sarah at napakaraming kinilig.

Maging si Lea Salonga na fan din ng BTS ay napakomento ng, “Grabe siyaaaaaaa! Strong agree!!!”

Ang isa namang fan ay nagbiro kay Sarah na pumila raw ito sa likod. Hahaha!

AUTHOR PROFILE