Vice

Vice Ganda sinorpresa ang pamilya

August 15, 2021 Aster Amoyo 231 views

HINDI napigilan ng ina ni Vice Ganda (Jose Marie Borja Viceral) na si Gng. Rosario Borja-Viceral gayundin ang elder sister ng comedy superstar na si Dra. Tina Viceral na maging emotional nang sila’y sorpresahin ni Vice ng kanilang bagong tahanan, isang three-storey house with seven bedrooms na may sariling mga banyo at may swimming pool.

Ang buong akala nina Nanay Rosario at Ate Tina ni Vice na pina-prank lang sila ng komedyante na madalas gawin nito sa kanila.

Itinaon niya ito sa kaarawan ng kanyang Ate Tina na inakalang magdi-dinner lamang silang mag-anak, not them knowing na matatanggap nila nang gabing `yon ang pinakamalaking sorpresa sa kanilang buhay. Pagpasok nila sa living room ng bahay ay tumanbad sa kanila ang mga katagang “Welcome To Your New Home Viceral Family” na napapalibutan ng balloons. Although wala pang mga gamit ang bahay, they were toured by Vice himself. Si Nanay Rosario ay may dalawang magkaibang kuwarto. Ang kanyang master’s bedroom ay nasa itaas ng bahay at may isa pa siyang kuwarto sa ground floor sakaling tamarin siyang umakyat.

Bukod sa ina, mga kapatid at mga pamangkin ay naroon din ang ilang malalapit na kaibigan ni Vice tulad nina Amy Perez, Angeline Quinto, Ryan Bang at iba pa. Siyempre pa, naroon din ang boyfriend niyang si Ion Perez.

Vice was still very young nang barilin ang kanyang barangay captain father sa kanyang harapan. Dahil sa maagang pagkamatay ng ama, napilitan ang kanyang inang mangibang bansa para magtrabaho bilang isang caregiver para masuportahan at buhayin ang kanyang limang anak with Vice as the youngest na ang palayaw noon ay Tutoy.

Ang tagumpay ni Vice ay nagsimula nang siya’y maging main host ng noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” in October 2009. The following year ay kinuha siya ng Viva Films para pagbidahan ang remake ng pelikulang unang pinagbidahan ni Roderick Paulate, ang “Petrang Kabayo” which propelled him bilang TV and movie superstar.

Vice remains one of the contract stars of ABS-CBN sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng network nung iang taon.

Julia napasabak na sa action scenes

JuliaSUMABAK na sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang aktres at rumored sweetheart ng actor-director na si Coco Martin na si Julia Montes at isa sa mga unang eksena na kinunan sa kanya ay nagpapatakbo siya ng motorsiklo.

Sa Ilocos Sur ang taping ngayon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan din kinunan ang last scenes nina Jane de Leon, Christian Vasquez at Cristina Gonzales. Simula naman ngayong September sa 6th anniversary ng top-rating action TV series ay mapapanood ang bagong characters na pinangungunahan ni Julia. Ito rin bale ang first time ni Juiia na mai-direk ng kanyang napapabalitang nobyo na si Coco.

Bago sumabak si Julia sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay sumailalim siya ng rigid training in gun firing, fight scenes, paggawa ng stunts, pagpapatakbo ng motorsiklo at iba pang martial arts training sa tulong na rin mismo ni Coco.

Julia was was last seen in the afternoon action-drama series na “Asintado” in 2018 and partly sa isa pang action-drama series na “24/7” which was cut short dahil sa pandemic at pagsasara ng ABS-CBN TV network nung isang taon.

Karylle buntis, gustong makasama sina Sunshine at Iza

KaryllANG magkakaibigang Karylle, Sunshine Dizon at Iza Calzado ay pare-parehong nagsimula sa bakuran ng GMA bago naging Kapamilya. Lalong naging malalim ang kanilang pagkakaibigan nang sila’y magkasama sa hit fanta-series na “Encantadia” in 2005. Sa tatlo, unang lumipat ng ABS-CBN si Karylle na sinundan ni Iza at kamakailan lamang si Sunshine na malapit nang mapanood sa isang serye, ang “Marry Me, Marry You”. Kamakailan lamang ay nag-reunion sina Sunshine at Karylle nang mag-guest ang una sa “It’s Showtime” kung saan isa sa mga tumatayong hosts si Karylle. Mas masaya pa siguro ang kanilang muling pagkikita kung nag-guest din ang isa pa nilang kaibigan na si Iza who celebrated her 39th birthday last August 12.

Ngayona nasa bakuran na silang tatlo ng Kapamilya network, posible na naman silang magsama-sama sa isang proyekto. But that will have to wait dahil buntis ngayon si Karylle sa magiging first baby nila ng kanyang huband na si Yael Yuzon ng Spongecola.

Bea at Dominic nakauwi na sa kanilang bahay

BeaTAPOS na ang ten-day quarantine sa isang hotel in Ortigas Center, Pasig City ng actress na si Bea Alonzo maging ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque

galing sa kanilang month-long vacation sa West Coast particularly Los Angeles and San Francisco, California. Nakauwi na rin ang magkasintahan sa kanilang respective houses. Excited namang sinalubong si Bea ng kanyang fur baby na si Walter na halatang sabik siyang makita.

Ngayong nakabalik na ng bansa si Bea ay agad nitong sisimulan ang first team-up niya with Kapuso actor na si Alden Richards sa isang movie, ang Philippine adaptation ng Korean movie na “A Moment To Remember” na nakatakdang pamahalaan ni Andoy Ranay, the director behind the success ng pelikulang “Miracle in Cell No. 7,” another local adaptation ng isang hit Korean movie of the same title which was shows in the 2019 Metro Manila Film Festival. The movie is going to be jointly produced ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment na siyang may hawak ng multi-picture contract ni Alden.

After the movie ay malamang na isunod na rito ang isang TV series na pagbibidahan mismo ni Bea with another Kapuso leading man.

John ayaw magsalita, umaasang babalik ang friendship nila ni Derek

AYAW nang magsalita ni John Estrada tungkol sa pagputol ng kanilang pagkakaibigan ni Derek Ramsay para hindi na umano humaba at lumala pa ang issue. As far as John is concerned, kinu-consider pa rin niyang kaibigan si Derek and wishes him well na maging maligaya sila ni Ellen.

May ilang beses na ring na-drag ang pangalan ni John sa mga kontrobersiya pero sa tuwing siya’y nasa sentro ng controversy ay nananahimik lamang ang actor instead of adding fuel to the fire.

Confident si John na huhupa rin ang issue at magiging okey ang lahat. Maging ang wife ng actor na si Priscilla Meirelles ay umaasa na magkakaayos din ang magkaibigang John at Derek someday.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsteramoyo on my YouTube channel Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE