Vice

Vice binalikan ang panloloko ng ex-BF

March 12, 2024 Vinia Vivar 135 views

Ibinahagi ni Vice Ganda ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend na iniwan siya dahil nakabuntis ng babae.

Sa EXpecially for You segment ng It’s Showtime, naka-relate ang Unkabogable Star sa isang participant na OFW na may dyowang naiwan sa Pilipinas.

Noong hindi pa kasi siya artista ay nagbibiyahe rin si Vice sa ibang bansa at may dyowa siya rito. Pero niloko lang umano siya ng lalaki.

“Six months ako sa Guam, performer ako du’n. So nire-renew ako nu’ng manager ko na gusto nila another six months,” kwento ni Meme Vice.

“Sabi ko, ‘Hindi, gusto ko nang umuwi kasi mamamatay na ‘ko, gusto ko nang makasama ‘yung dyowa ko. Pagdating na pagdating ko, sinundo ako sa airport, diretso kami ng SM North, puma-North pa kami, pumunta kami ng SM North para bumili ng Playstation. Kasi gusto niya ng Playstation,” patuloy niya.

Nang umuwi sila, nakipag-break sa kanya ang dyowa.

“Nakikipaghiwalay siya kasi may nabuntis siya. Pero nagpabili pa siya ng Playstation. Kinuha niya pa lahat. ‘Yung pasalubong ko, lahat, kinuha niya. Pero nu’ng gabi, nakabuntis siya. Sinabi niyang ‘meron akong girlfriend, tapos buntis siya,’” pagrere-call ni Vice.

“Hindi naman sa pag-aano, pero oo, pasalubong. Kung ikaw kukunin mo pa ba yun?” aniya.

“Pero napag-uusapan lang naman. Ako, dedma na ‘yun,” sambit pa niya.

Sa huli ay nagpasalamat si Vice sa ex-dyowa sa pang-iiwan sa kanya dahil nakilala niya later on ang love of her life na si Ion Perez.

“Thank you because you prepared me to be who I am right now. ‘Di ba? That situation prepared me to be this kind of person now. And thank you for fooling me and leaving me because that led me to my Ion now,” sabi ni Vice.

PAMAMAALAM

Matapos maihatid ang pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose sa huling hantungan last Sunday, for the last time ay muling nag-post ng pamamaalam si Gabby Eigenmann sa yumaong stepmom.

Sa kanyang farewell message sa Instagram kahapon, muling nangako si Gabby na siya na ang bahala sa mga naulila ni Jaclyn kabilang na nga ang anak nitong si Andi Eigenmann.

“Wag ka na magalala Tita Jane ako na ang gagabay sa kanila… Mananatili ka sa puso namin at lagi kong ipapadama sa kanila kung gaano mo sila minahal ng lubos…

“Mahal kita Tita Jane at ako’y nagpapasalamat dahil nadama ko din ang pagmamahal mo sa akin at sa aking pamilya…

“May ngiti na sa aking mukha dahil alam ko na mas masaya ka na sa piling ni God kasama si Daddy at Tita Cherie. Salamat uli sa lahat lahat… Cheers Love You,” ang mensahe ni Gabby kay Jaclyn.

Matatandaan na pumanaw ang premyadong aktres noong March 2 dahil sa atake sa puso.

AUTHOR PROFILE