Luis

Luis ayaw tapatan ang ‘Showtime’

March 12, 2024 Vinia Vivar 122 views

Sinagot ni Luis Manzano ang isang netizen na nagre-request na siya na ang pumalit sa time slot ng Tahanang Pinakamasaya ng TAPE, Inc. sa GMA-7.

Mensahe ng netizen kay Luis sa X (dating Twitter), “Cge na po, kunin nyo na binakanteng timeslot ng TAPE Inc.”

Pero ayon kay Luis, malabo itong mangyari dahil makakabangga niya ang It’s Showtime.

“Hmmm medyo malabo kase magkakatapat kami ng ST,” reply ni Lucky.

May mga nag-comment naman na nami-miss na nila ang It’s Your Lucky Day na huling show ni Luis.

Matatandaan na two weeks lang umere sa ABS-CBN ang nasabing noontime program dahil pansamantala lang itong pumalit sa It’s Showtime na nasuspinde ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Oktubre.

May mga tsismis na ibabalik sa ere ang It’s Your Lucky Day pero up to now ay wala pa ring official announcement ang ABS-CBN tungkol dito.

AUTHOR PROFILE