Ruffa2

Venice, direktang nakikipag-usap kay Yilmaz Lorin, masakit pa rin ang kalooban — Ruffa

April 26, 2022 Vinia Vivar 119 views

VeniceLorin

Naging emosyonal si Ruffa Gutierrez nang makapanayam ng entertainment press sa media launch ng kanyang bagong negosyo na Gutz & Glow last Monday.

Napag-usapan kasi ang kanyang pagiging single mom na hindi naman talaga madali.

As we all know ay talagang solo niyang itinataguyod ang kanyang dalawang anak na sina Lorin and Venice without any financial help from her ex-husband, Yilmaz Bektas.

Ayon kay Ruffa ay hindi na raw talaga sila nag-uusap ngayon ni Yilmaz.

Last year kasi ay tina-try pa sana nilang magkita at magkaayos for the sake of their children pero hindi na raw ito talaga nag-work out.

“So ngayon, the last time, sabi ni Venice, ‘mommy, just give him my number. I’m old enough, I’m an adult, kami na lang ang mag-usap. So, that time, sila na ang nag-uusap. Kasi, 17 at 18 na si Lorin saka si Venice. So now, I think they’re trying to work something out na magkita sila. Either in Istanbul or here in Manila,” kwento ni Ruffa.

Si Venice pa lang daw ang may communication kay Yilmaz at hindi ang panganay niyang si Lorin.

“Si Lorin, masakit pa rin ang kalooban. ‘Does he even know I’m in college? Mommy, he should pay you, you know, because you’re working so hard to send me to school,’” pagbabahagi ni Ruffa sa sinabi ni Lorin.

“You know, I’m just really grateful that I have a lot of work,” sabi ni Ruffa na nagsimula nang mapaiyak. “’Di ba? Kasi, it’s not easy sometimes but happy lang ako na bliness (blessed) ako, you know, I’m grateful that God has given me the opportunity to take care of my kids on my own.”

Samantala, sumabak na nga si Ruffa sa pagnenegosyo at nagtayo na ng sarili niyang lifestyle brand na Gutz & Glow.

Three years in the making na raw ito at dahil sa pandemic kaya hindi agad nila nasimulan.

“I came up with a lifestyle brand because just as how our times have evolved, our needs have also changed. Coming up with a beauty line alone is not enough. So, lifestyle brands like Gutz and Glow represent who I am. Each product is handpicked by me. It has the touch and feel of Ruffa- my preference, my needs everyday,” she said.

Ang mga produkto ng Gutz & Glow ay Butt and Body Scrub, Disinfectant Hand Soap, Feminine Lightening Spray Mist, Luminous Hand Cream, Lustrous Hand Sanitizer, Blazing Hand Sanitizer, Makeup Remover Wipes at Intimate Feminine Wipes.

AUTHOR PROFILE