Default Thumbnail

TV RATINGS, RELEVANT PA BA?

September 14, 2023 Joey Aquino 242 views

TV networks are concerned of the ratings of their programs for ad placements.

Ratings ang basehan ng mga advertiser para pasukan ng commercials ang mga programa. Pero ngayon, mukhang hindi na ito reliable o relevant. Traditional media like TV has seemingly been overshadowed by online media. Lahat halos kasi ngayon napapanood na rin ang mga TV program sa social media accounts ng mga ito.

Admit it or not, the media landscape has totally been disrupted after ABS-CBN lost its franchise. More and more viewers shift from TV screen to small screen because of the fast changing lifestyle. At karamihan ngayon, nanonood na sila sa kanilang mobile phones. At updated sila sa mga programa sa pamamagitan ng ibat-ibang social media platforms na kung saan available ang mga ito 24/7.

That said, ABS-CBN now hypes on the concurrent views while GMA network rely on ratings for obvious reason. Last September 11, the Kapamilya primetime shows hit record-breaking online concurrent views in one night for Batang Quiapo (478K), Iron Heart (451K) and Senior High (152K).

Sa totoo lang, mas kapanipaniwala ang concurrent online views kaysa sa ratings dahil real time ito. Habang ang ratings ay representation lang ng audience share.

Ngayon, alin ang totoong mas pinapanood ng mga Pinoy – ABS-CBN o GMA7? Just asking…

SALAMAT, MANAY ETHEL!

NALAGASAN na naman ang local showbiz sa pagkamatay ng veteran entertainment editor at talent manager na si Ethel Ramos. She was known as the dean of entertainment writers. Manay Ethel, as she was fondly called, was kind and gentle. At walang kaere-ere kahit alam ng lahat kung gaano kalaki ang pangalan niya sa industriya.

Rest in paradise, Ate Ethel!

AUTHOR PROFILE