Carlo

Kasalang Carlo-Charlie maugong

May 17, 2024 Vinia Vivar 119 views

Gaano kaya katotoo na ikakasal na umano sina Carlo Aquino at Charlie Dizon ngayong 2024?

Ito ang tsikang umiikot ngayon sa showbiz na ibinalita rin ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

“Pinaghahandaan na raw. Nasa planning stage na ang kasal diumano, ha? Itatanong na rin natin. Totoo bang ikakasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon?” ask ni Ogie.

“This year daw, ikakasal na, kasi nga, parang nandu’n na raw sa planning stage,” dagdag pa niya.

Tinanong naman ng isa niyang partner na si Dyosa Pockoh kung ano kaya ang masasabi tungkol dito ng dating karelasyon ni Carlo na si Trina Candaza na ina rin ng kanyang anak na si Mithi.

“Feeling ko naman kay Trina, kung kilala ko si Trina, no, sa pag-iinterview ko sa kanya, eh, ‘wag lang makalimutan ni Carlo na mayroon siyang isang Mithi,” ani Ogie.

Wala naman daw masama sakaling magpakasal na sina Carlo at Charlie dahil parehong nasa edad na rin naman ang mga ito.

Pero siyempre, ang confirmation ay manggagaling mismo sa dalawa kung totoo nga o hindi ang tsikang ito.

Matatandaan na taong 2022 nang umugong ang balitang nagkakamabutihan sina Carlo at Trina. Inamin nila ang kanilang relasyon in 2023.

Sa past interviews ni Carlo ay parati niyang sinasabi na si Charlie na ang “the one” at ang babaeng kanyang pakakasalan.

AUTHOR PROFILE