Default Thumbnail

CONG. ERWIN TULFO: IKULONG ANG PABAYANG AMA!

September 14, 2023 Marlon Purification 204 views

Marlon PurificationKINAKATIGAN natin ang panukalang batas na inihain ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na ikulong at Palawan ng parusa ang mga tatay na hindi nagbibigay suporta sa kanilang mga anak.

Sa House Bill 8987, sinabi ni Tulfo na kailangang magkaroon na ng batas na magbibigay parusa sa mga pabayang ama upang maligtas sa anumang kapabayaan ang mga anak na inabandona at hindi na tintustusan ng kanilang mga tatay.

Co-authors ni Tulfo sa panukalang batas na ito ang mga kasamahan sa ACT-CIS partylists na sina Representatives Jocelyn Tulfo, at Edvic Yap; kasama sina Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo.

Ayon kay Tulfo, layunin ng panukala na protektahan ang kinabukasan ng mga bata upang papanagutin ang mga magulang, lalo na ng mga ama, na magpapabaya sa kanilang mga anak.

Inirerekomenda ng panukala na ang suporta ng ama sa anak ay hindi bababa sa 10 porsiyento ng sahod ng ama, ngunit hindi dapat mas mababa sa P6,000 kada buwan o P200 kada araw.

Batay sa panukala, makukulong ng anim hanggang 12 taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang P300,000 ang mga ama na hindi nagbibigay suporta sa anak.

Ang HB 8987 ay tinawag na “An Act Punishing the Willful Failure to Pay Paternal Child Support.”

Batid ng mga authors ng panukalang batas na ang pagbibigay parusa sa mga pabayang ama ay nakasaad na sa Republic Act 9262 o Anti-Violation Against Women and Children (Anti- VAWC) Act, particular na ang pang-aabuso sa kababaihan at manor de edad.

Kasama rin dito ang kabiguan sa pagbibigay ng child support.

Ngunit nakukulangan ang mga kongresista są naturang batas dahil mas gusto nilang magkaroon ng pangil ang pagbibigay parusa sa mga pabayang ama.

Sa ganang akin, napakandang panukala ito.

Alam ko na noong sekretaryo pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Cong. Erwin ay may ganitong kautusan na siya sa kanyang mga tauhan na dapat sila ang maging huwaran sa pagbibigay suporta sa mga anak.

Pinatunayan ni Cong. Erwin na seryoso siya sa kautusang ito kaya’t isa rin ang panukalang ito sa mga prayoridad niyang maisabatas sa Kongreso.

Umaasa tayong susuportahan ito ng Mataas at Mababang Kapulungan dahil nasisiguro kong maraming ina, magulang, lolo at lola at mga kabataan ang makaka-relate sa problema na likha ng mga pabayang ama.