Isko Alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na bawal ang kriminal sa Maynila, agad na nahuli ng mga kapulisan ng MPD, sa tulong ng mga Batang Maynila, si Arnel Arce na suspek sa pagtangay ng motorsiko ng isang parking attendant ng MTPB. Lubos naman ang pasasalamat ni MTPB Director Dennis Viaje sa agarang pag-kaka bawi ng motor ng kanyang empleyado. Kuha ni JON-JON REYES

Tumangay sa motorbike ng MTPB parking attendent huli

August 31, 2021 Francis Naguit 278 views

ARESTADO ang isang suspek matapos tangayin ang motorsiklo ng isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang nakaparada sa kahabaan ng Abad Santos sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang naarestong suspek na si Arnel Arce, 30, hinihinalang miyembro ng Commando Gang at residente ng 1199 Wagas St.,Tondo.

Kasama sa tinangay ng suspek ang paniket ng parking attendant na si Judy Guab,58.

Sa kuha ng CCTV sa kahabaan ng Abad Santos, nakitang naglalakad ang suspek. Maya-maya ay nakasakay na ito sa Yamaha MIO Soul 125 na pag-aari ng biktima.

Agad namang nagpasaklolo ang biktima sa pulisya na nagsagawa ng follow-up operation

Ayon kay MPD PIO Capt.Philipp Ines, walang sinayang na oras ang mga kapulisan at agad na nagsagawa ang mga ito ng follow up operation at nireview ang mga CCTV kung saan natukoy ang kinaroroonan ng motorsiklo at pagkakilanlan ng suspek.

Sa loob ng Banana Island sa Tondo na umano natyempuhan ang suspek habang tangkang ibinibenta ang nakaw na motorsiklo. Hindi na nakapalag pa dahil napalibutan na ito ng mga tambay at tauhan ng MPD.

Narekober at naibalik sa biktima ang nakaw na motorsiklo ngunit ang ibang gamit nito kasama ang kanyang paniket ay hindi na naibalik pa .

Desidido naman ang biktima na ituloy ang kaso laban sa suspek kahit pa nagmamakaawa itong patawarin ng may-ari ng motorsiklo.

Sasampahan ng kasong Anti-Carnapping Law ang suspek na aminado sa kanyang ginawa.. NINA FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE