Suspect Arestado ng mga miyembro ng Manila Police District Special Operations Unit (MPD-SOU) ang Manila’s 3rd most wanted person na nakilalang si Jason Laquindanum Narag a.k.a Bangkay, sa Maynila noong August 31, 2021. Ang suspek ay wanted sa kasong murder. Ayon kay DSOU Chief P/Maj. Ceciro Pura, Jason ay sangkot din umano sa gun running and gun-for-hire syndicate sa National Capitol Region (NCR). Kuha ni JON-JON REYES

Murder suspect timbog sa Tondo

August 31, 2021 Francis Naguit 509 views

ARESTADO ang isang diumano’y gun-for-hire at akusado sa isang murder case sa Tondo, Maynila Martes ng hapon

Ayon kay P/Maj.Cicero Pura, ng MPD Special Operations Unit, kinilala ang suspect na si Jason Narag alyas Bangkay,nakatira sa Bldg,9 Unit 215 Permanent Housing sakop ng Brgy. 128 Tondo Manila.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Carolina Icasiano Sison ng Manila Regional Trial Court Branch 18.

Napag-alaman na may kasabwat umano sa kaso si Narag na nakilalang si Romeo Leporada Panesa ngunit namatay ito sa nakaraang operasyon.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong murder at kabilang sa gun-for-hire suspects sa NCR.

Isinilbi sa kanya ang arrest warrant makaraan nitong takbuhan ang kanyang ginawang krimen.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE