Tolentino

Tulungan ang motorcycle riders — Tolentino

November 29, 2023 People's Tonight 168 views

HINIMOK ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang Land Transportation Office (LTO) na ayusin ang sistema nito upang matulungan ang mga motorcycle riders at mapunan ang 12.9 milyong plaka na wala pa rin hanggang ngayon.

Sa deliberasyon ng Senate Bill no. 149 na naglalayong amyendahan ang Motorcyle Crime Prevention Act, sinabi ni Tolentino na dapat mas palakasin na ang produksyon ng mga plaka.

Aniya, dapat unahin ang mga motor na matagal nang walang plaka tulad ng mga wala pa simula 2014.

“Lumobo na from 9 million, mag-13 million na. Baka after new year baka mag 15 to 14 million na ito,” sabi ni Tolentino.

Sinabi rin ni Sen. Tol na dapat ayusin ang proseso sa LTO para di na mahirapan ang mga motorista na ayusin ang datos nila sa kanilang Radio Frequency Identification System o RFID.

Para kay Tolentino, kapag may komprehensibong RFID, di lang nito mapapadali ang buhay ng mga motorista, kundi pati ng pulisya at iba pang law enforcement groups sa pagsugpo ng mga krimeng kaugnay ng mga motorsiklo.

“Administratively hassle iyon na pupunta sa LTO, papalitan yung pangalan, yung laman noong RFID. Medyo masalimuot iyon pero if it can be done from a central office na kayo na lang ang mag-encode, pasok na doon, okay siguro iyon,” pagtatapos ni Sen. Tol.

AUTHOR PROFILE