EV

Rep. Nograles pinaaamyendahan ang Evida law provisions na hindi isinama two-wheeled EVs sa import tariff perks

November 27, 2023 People's Tonight 500 views

INIHAIN ni Party-List Rep. Margarita Nograles ang House Bill 9574 na naglalayong amyendahan ang ilang probisyon ng Electric Vehicle Industry Dev’t. Act na hindi isinama ang two-wheeled electric vehicles sa ilang import tariff exemptions.

Ang EVIDA ay isang batas na pinagtibay noong Hulyo ng nakaraang taon upang isulong at pabilisin ang “development, manufacturing, utilization, at commercialization” ng electric vehicles (EVs) sa bansa.

Kinikilala ng EVIDA ang kahalagahan ng EVs sa pagbabawas ng pagdepende sa fossil fuels, pagpapagaan sa climate change, at pagsusulong ng ‘sustainable transportation options’.

Layon din nito na lumikha ng isang kapaligiran para sa paglago ng EV industry, palawakin ang paggamit ng EVs, at makapag-ambag sa sustainable development at environmental conservation.

Subalit sa kabila ng malaking ambag ng two-wheeled electric vehicles vis-à-vis four-wheeled electric vehicles sa merkado, ipinaliwanag ni Nograles na ang kasalukuyang tariff structure ay nagpapataw ng mas mataas na ‘upfront costs’ sa electric two-wheelers, dahilan para maging “less economically attractive“ ito sa mga consumer kumpara sa conventional gasoline-powered two-wheelers.

“This situation creates a significant barrier to the growth of the electric vehicle industry, impeding environmental sustainability efforts and hindering the transition to clean transportation,” sabi ni Nograles.

Ipinanukala niya ang pag-amyenda sa EVIDA Act sa hangaring makamit ang mga sumusunod na layunin:

Una ay ang Temporary Decrease of the Most Favored Nation (“MFN”) Tariff Rates.

Itinutuloy ng amendment ang introduksiyon ng pansamantalang pagbabawas sa MFN tariff rates para sa lahat ng electric vehicles. Ang pagpapababa sa taripa ay nagpapalakas sa ‘affordability at competitiveness’ ng electric vehicles, partikular ang two-wheelers, para higit itong maging kaakit-akit sa consumers.

“The temporary nature of this reduction recognizes the need to provide immediate support to the industry while allowing for a reassessment of tariff rates in the future,” ayon pa sa panukala ni Nograles.

Pangalawa ay ang Call for a Zero Percent MFN Tariff Rate.

Bukod sa pansamantalang pagbabawas, ipinapanukala rin ng amendment ang pangangailangan para sa zero percent MFN tariff rate sa two-wheeled electric vehicles sa susunod na limang taon.

“This striving measure aims to eradicate tariff-related barriers entirely, signaling a strong commitment to promoting the growth of the electric vehicle market. By demanding a zero percent MFN tariff rate, the amendment aligns with global efforts to incentivize the adoption of clean and sustainable transportation,” paliwanag ni Nograles.

Aniya, ang panukalang pag-amyenda ay naglalayon ding dagling bawasan ang tariff rates, at hilingin ang zero percent MFN tariff rate para sa two-wheeled electric vehicles.

AUTHOR PROFILE