PCSO

Tuloy ang pagtulong

May 20, 2023 People's Tonight 182 views

ANG isa sa priority programs ng gobyerno ay ang pagtulong sa mga mahihirap, na bumubuo ng “bulk” ng mahigit na isang daang milyung populasyon ng Pilipinas.

Mabuti at nandiyan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), maliban sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), para tumulong sa “needy Pinoys.”

Talagang napakalaki ang papel na ginagampanan ng PCSO para lang masiguro ang “health and welfare of indigent Filipinos needing medical assistance.”

Noong isang taon nga ay mahigit na P1.3 bilyon ang inilabas ng PCSO, na pinamumunuan ni Chairman Junie E. Cua, bilang tulong pinansyal sa 210,731 indigent beneficiaries.

Ito ngang unang tatlong buwan ng taon ay nakapagpalabas na ng ahensya ng mahigit P400 milyung halaga ng assistance sa 60,779 indigents na may iba-ibang health-related problems.

Kamakailan, sa isang pahayag, ay sinabi ni Chairman Cua na “asahan po ninyo na tuloy-tuloy lang ang PCSO sa adhikain nitong matulungan ang sambayanang Pilipino.”

At paiigtingin pa ng ahensya ang kanyang serbisyo para mas marami pang Pinoy ang makikinabang sa mga programa ng PCSO, lalo na ang Medical Assistance Program (MAP).

Ayon sa PCSO, “MAP covers various requests for fund augmentation for medical concerns, such as confinement, dialysis injection, cancer treatment at hemodialysis.”

Ang pondo ng MAP ay galing sa Charity Fund, “which comprises 30% of net receipts and used exclusively to finance and support health programs and medical assistance/services.”

Sa utos ni Pangulong Marcos ay patuloy ang paghahanap ng PCS0 ng “ways to generate more revenues.”

Tulungan natin and PCSO para magampanan nito ang kanyang mga mandato. Ang dami nating kababayan na naghihikaos at nagkakasakit na nangangailangan ng tulong.

AUTHOR PROFILE