Lacuna Hinikayat ni MPD director PBGen. Andre P. Dizon ang mga Manilenyo na makipagtulungan sa kapulisan para sa kaayusan at mapayapang pamumuhay sa lungsod na sinang-ayunan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

‘Tulak’; 2 pa arestado sa Tondo drug sting

June 3, 2023 Jonjon Reyes 153 views

MAHIGIT P200,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa sinasabing “tulak” kabilang ang isang sekyu at vendor sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Delpan at Claro M. Recto Avenue sa Barangay 12, Tondo, Maynila iniulat ng pulisya.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Jorge Meneses lll, commander ng Manila Police District (MPD) Moriones Police Station (PS) 2, bandang 12:30 ng madaling araw (Sabado) nang ilatag ang buy-bust sa naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa kalakaran ng iligal na droga na may alyas “Aye” at nadamay ang parokyano nitong sekyu at isang vendor na kapwa residente ng Intramuros, Maynila.

Nakipagtransaksyon ang isang tauhan ni Meneses III na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa suspek at nang magpositibo ay dinamba ang mga suspek matapos magbigay ng senyales sa mga nakaabang na mga operatiba.

Dito na nakasamsam ng nasa 30 gramo ng shabu katumbas ng halagang P204,000.

Dahil dito, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ayon kay Meneses, walang patid ang kanilang kampanya kontra droga at ng buong kapulisan ng MPD alinsunod sa direktiba nina MPD Director PBGen. Andre P. Dizon at Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan upang masakote ang mga personalidad na sangkot sa kalakaran na sisira sa mga kabataan.

Gayunman, pipilitin ni Dizon at ni Mayor Honey na maging “drug-free” ang Lungsod ng Maynila kung hindi man ay kahit mabawasan ang nagbebenta at ang mga lulong sa bawal na gamot.

Kaugnay nito, patuloy sa paalala ang heneral patungkol sa maayos at tapat na pagpapatupad ng tungkulin partikular na sa paglalatag ng mga operasyon kontra kriminalidad at droga.

Bilang pagtalima sa kautusan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na “Honest and Aggressive” Police Operation at ang pagpapatuloy na programa din ni NCRPO chief PMGen. Edgar Alan Okubo ang Seen Appreciated Felt Extraordinary (SAFE) for Police Officer.

AUTHOR PROFILE