BBM Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. si ‘The Game Changer General’ MPD chief Andre P. Dizon dahil sa pinaigting na seguridad sa Lungsod ng Maynila habang nakamasid si DILG Sec, Benhur Abalos. (Ikalawang larawan) Nagpahayag naman si PNP chief Benjamin Acorda Jr. at NCRPO chief PMGen. Edgar Alan Okubo sa publiko na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa kapulisan para sa kapayapaan at kaayusan. Kuha ni JON-JON REYES

Malacañang ‘kumportable’ sa sipag, estratehiya ni Dizon

June 3, 2023 Jonjon Reyes 307 views

DizonKUMPIYANSA ang Malacañang sa sipag at galing sa estratehiya ni “The Game Changer General” Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon dahil sa “walang humpay” na pagpapairal ng seguridad sa Lungsod ng Maynila, kaya ito binansagang “asset” ng Palasyo.

Dahilan na nasa Lungsod ng Maynila ang Malacañang, kaya ang mga kapulisan na pinamumunuan ni Dizon ay halos sumobra pa sa “24/7” ang pagbabantay at mariin nitong inutos sa 14 na police station commanders, na pangalagaan ang bawat mamamayan sa kani-kanilang nasasakupan lugar.

Ang Malacañang complex at lugar nito ay napapalibutan ng halos anim na police stations kabilang ang MPD Sta. Cruz PS-3 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Ramon Czar Solas; MPD Barbosa PS-14 ni P/Lt. Col. Roberto Mupas, kung saan sakop nito ang Palanca at Mendiola; MPD Sampaloc PS-4 ni P/Lt. Col. Wilson Villaruel ng Legarda; MPD PS-8 Sta. Mesa ni P/Lt. Col. Dionelle Branonn ng Ramon Magsaysay Boulevard.; Pandacan PS-10 ni P/Lt. Col. Maria Ugbon, at MPD Ermita PS-5 sa pamumuno naman ni P/Lt. Col. Leandro Gutierrez kung saan sakop naman nito ang US (United States) Embassy sa Roxas Blvd.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, ng MPD Public Information Office (PIO), tiwala ang Palasyo sa ginagawang paghihigpit ng butihing heneral sa sinasagawang pagsisiyasat kung may mga pulis na hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.

Buo rin umano ang tiwala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kay Dizon, kaya patuloy ang paghihigpit mula sa pagputok ng araw hanggang madaling araw ay nag-iikot pa rin sa bawat istasyon ng pulisya upang makasiguro na laging naka-alerto ang mga kapulisan sa kahit na anumang pangyayari, kung kaya’t hindi maikakailang nabawasan ang mga krimen at mga hindi kanais-nais na pangyayari sa Lungsod ng Maynila.

Sa pagputok pa lamang ng araw ay pinangungunahan na ni Dizon ang pag-iikot gamit ang bicycle patrol kasama ang kanyang mga kapulisan maging ang MPD staff DDDA, DDDO, CDDS at ibang unit nito ay hindi rin nagpapahuli sa pagsama sa pagbibisikleta sa umaga.

Pagdating naman sa gabi ay motorsiklo naman ang gamit nito sa pagpapatrolya, maging sa madaling araw naman ay umiikot ito sa mga presinto upang magsagawa ng surpresang inspeksyon kung may mga pulis na “natutulog” sa kanilang duty.

Kung kaya’t maging ang mga police station na nasa boundary ng kalapit na lungsod ay naka-alerto at laging gising sa oras ng trabaho, katulad lamang ng MPD Malate PS-9 sa pamumuno naman ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, nasa hangganan ng Pasay at Makati City; MPD Sta. Ana PS-6 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jason Aguillon, kung saan nasa boundary ng Mandaluyong at San Juan City.

Samantala, ang MPD PS-7 naman sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jonathan Villamor ay may mga checkpoint na magmumula naman sa Caloocan at Monumento, gayundin ang MPD Meisic PS-11 ni P/Lt. Col. Rex Layug ay nagbabantay naman sa seguridad ng mga Filipino-Chinese sa Binondo.

Ang Tondo Moriones PS-2 ni P/Lt. Col. Jorge Menises at MPD Raxabago PS-1 ni P/Lt. Col. Rosalino Jhun Ibay Jr. ay nagpapanatili din ng kaayusan at katahimikan sa Tondo area, kasabay ng pagsasagawa ng mga checkpoint operations na malapit din sa boundary ng Navotas at Malabon City.

Maging sa mga pantalan naman ay palaging naka-alerto ang MPD Baseco PS-13 ni P/Lt. Col. Rodel Borbe at MPD Delpan PS-12 ni P/Lt. Col. Restito Acohon ay todo ang pagpapairal ng programa ng heneral sa Parola at gilid baybayin ng Baseco Beach sa Port Area, Maynila.

Nariyan din ang mga Operatiba at mga Intelligence ng DPIOU, DSOU, SMaRT-DID, DEU, SWAT, at Motorcycle Unit, maging ang mga kapulisan ng DMFB, DMPU, MTEG, CIS, at D7 ay patuloy na naka-antabay at nanghuhuli ng mga kriminal at wanted sa batas.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan ang mga barangay official sa mga PCPs (Police Community Precincts) sa bawat police stations upang mapalakas ang samahan ng kapulisan at sambayanan laban sa mga iligal na droga at mga naghahasik ng kasamaan sa nasabing lungsod.

AUTHOR PROFILE