Posas

Tsino huli sa boga sa Ecija

April 24, 2024 Steve A. Gosuico 104 views

ZARAGOSA, Nueva Ecija–Arestado ang isang Chinese national dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa manhunt operations dito nitong Lunes.

Kinilala ni Nueva Ecija police chief Col. Richard Caballero ang naarestong dayuhan na si alyas Samuel Li, 44, negosyante, ng Bgy. Del Pilar, ng bayang ito.

Sinabi ni Caballero na alas-12:10 ng tanghali nang nahuli ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 24.

Nakakulong na ang naarestong suspek, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE