Driver patay sa gulpi ng 2 lalaki
DEDO kamakailan ang isang driver ng gulpihin ng dalawang lalaki sa Brgy. Don Luis, San Jose, Batangas.
Tubong Saguing, Dinalupihan, Bataan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dagatan, San Jose ang biktima na si Jimmy Morfe Jr. Soriano, 39, ayon sa San Jose police.
Kinilala ang mga suspek na isang menor de edad at isang alyas Jomar, 23.
Nadiskubre ng mga rumespondeng pulis na patay na ang biktima na nakahandusay sa tabing kalsada at may sugat sa noo.
Nagsasagawa na daw ng hot pursuit ang mga pulis para mahuli ang mga suspek.