Morales Ex-PDEA intelligence officer Jonathan Morales

PBBM NATAWA SA ‘MARITES’ KAY MARICEL

May 6, 2024 Chona Yu 78 views

NATAWA lamang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa ulat na kasama siya sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ambush interview sa Pasay City, hindi na pinatulan ni Pangulong Marcos ang tanong na kasama umano sila ng aktres na si Maricel Soriano sa drug list.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni dating PDEA intelligence officer Jonathan Morales na kasama ang dalawa sa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga.

Pero agad itong pinabulaanan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo at sinabing nonexistent ang listahan.

Sinabi pa ni Lazo na walang basehan ang mga alegasyon ni Morales.

Ayon pa kay Lazo, hindi dapat umasa ang Senado sa pahayag ni Morales na nakasuhan ng perjury dahil sa pagtatago ng impormasyon na natanggal na siya sa Philippine National Police nang mag-apply sa PDEA.

AUTHOR PROFILE