Default Thumbnail

Trike sumalpok sa rider, 2 duguan

October 6, 2023 Jonjon Reyes 286 views

ISANG tricycle ang sumalpok sa isang rider habang sa kahabaan ng Rizal Avenue, Sta.Cruz, Manila, Biyernes ng umaga.

Dahil dito, nahaharap sa kasong physical injuries ang tricycle driver na si Angelito Salamat,34 , may asawa ng Tambunting Street, Sta.Cruz.

Base sa ulat na isinumite ni Police Corporal Arcyll De Guzman kay Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit( MDTEU), bandang 10:30 a.m. nang makarating sa kanilang tanggapan ang nangyaring insidente.

Sa report ng pulisya, bandang 7:25 a.m. nang mabundol ng tricycle si Ryan Vargas, delivery boy ng Caloocan City. habang tumatawid ang huli sa nasabing lugar.

Isinugod sa Orthopedic Hospital si Vargas na nagtamo ng pilay at sugat sa katawan. Nagpamedical din ang driver ng tricycle dahil sa mga tinamong sugat sa katawan,.

Dinala na sa tanggapan ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang tricycle driver.

AUTHOR PROFILE