Default Thumbnail

Treasurer sinaksak ng 2 kawatan, agaw-buhay

March 12, 2024 Melnie Ragasa-limena 125 views

KRITIKAL ang 60-anyos na treasurer ng Christ The King Seminary ng saksakin ng dalawang suspek sa pagnanakaw sa Quezon City noong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Emilio Dula Lim ng San Jose, Occidental Mindoro at stay-in rector-treasurer sa Christ The King Seminary sa Finneman Building, sa 101 E. Rodriguez Sr. Blvd., Brgy. Kristong Hari, Quezon City.

Nakatakas ang mga suspek na nakilalang sina Ken Ramirez at alyas RapRap ng Baclaran, Pasay City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, bandang alas-9:40 ng gabi sinaksak ang biktima habang nasa kwarto.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Dhonnie Peralta, natutulog ang biktima nang magising matapos makarinig ng mga kaluskos.

Nang makita ng dalawang suspek ang biktima, sinugod siya at pinagtulungang saksakin hanggang sa duguang bumulagta.

Nilimas ng mga suspek ang cellphone ng biktima at iba pang mga personal na gamit at saka tumakas.

Isinugod ng security guard na nakilala lang na Sambuang Jr. sa St. Luke’s Medical Center ang biktima at inoobserbahan pa ngayon.