Transport Mula sa kanan: Ricardo Ribano (FEJODAP), Orlando Marquez, (LTOP) Atty. Al Vitangcol, (moderator) Zaldy Ping-Ay, (Stop and Go) at si Ricardo Liwag (LTOP). Kuha ni Jun I. Legaspi

Transport groups nagpasalamat sa ‘Libreng Sakay’ program

May 20, 2022 Jun I. Legaspi 666 views

ILAN pang transport groups ang nagpahayag ng pasasalamat sa “Libreng Sakay” ng programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng programang ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr) na “Service Contracting Program” (SCP).

Sa weekly press conference ng “Diretsahan Panamaw” sa pangunguna ni Atty. Al Vitangcol sa Quezon City, ipinaabot ni Reynaldo Liwag, national vice president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP), ang pasasalamat ng kanilang grupo kay Pangulong Duterte sa programang “Libreng Sakay” o free rides ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Talagang nagpapasalamat kami sa ‘Libreng Sakay’ program ni President Rodrigo Roa Duterte [at] kung wala ito sa nakalipas na pandemic baka wash out na kaming lahat,” saad ni Liwag.

Sinabi din ni Liwag na ang grupo nila ay bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na ipinatutupad ng DOTr.

Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Orlando Marquez, national president ng (LTOP) maraming dapat ipaliwanag ang DOTr at LTFRB kaugnay sa modernization program ng gobyerno.

Sinabi ni Marquez na hindi siya laban sa modernization program subalit dapat daw itong ipatupad ng maayos ng ahensiya.

Nauna rito, nagpahayag na ng pasasalamat ang maraming transport groups sa pangunguna ni Atty. Vigor Mendoza II ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) sa PUVMP at Libreng Sakay program ng gobyerno. Ni Jun I. Legaspi

AUTHOR PROFILE