ABS-CBN

Top TV networks nagsanib-sanib na

January 22, 2023 Aster Amoyo 341 views

GMAVIUWHO would ever think na magkakaroon ng alyansa sa pagitan ng dalawang giant and (formerly) competing TV networks ng bansa – ang ABS-CBN and GMA gayundin sa pagitan ng ABS-CBN at TV5?

Pero dahil sa pagbabago ng panahon, ang dating tila imposibleng mangyari ay naging possible na ngayon.

Simula sa araw na ito ng Lunes, January 23, magaganap ang kauna-unahan on Philippine television history, ang pagsasama ng ABS-CBN at GMA kasama ang international streaming platform na Viu na ang headquarters ay nasa Hong Kong.

Although hindi pa nagbibigay ng detalye ang Kapamilya at Kapuso networks maging ang Viu pero parang nahuhulaan na naming puwede nang mag-co- produce ang ABS-CBN at GMA ng mga content na maipapalabas sa Viu platform and will be shown in various Asian countries (including the Philippines) Middle East, North and South Africa at iba pang bansa.

With the new alliance between ABS-CBN and GMA with Viu, this would mean additional jobs for talents (including actors, directors, writers and other production people) dahil kakailanganin ng Viu ng mga bagong content which the two networks will provide. Magiging possible na rin ang hiraman ng talents sa pagitan nila.

Bukod sa Viu, patuloy din ang dalawang magkahiwalay na networks sa pagpu-provide ng iba’t iba nilang existing content sa maraming bansa na nilalagyan ng sub-title or dubbed in their own language tulad ng ginagawa ng ABS-CBN at GMA sa mga Koreanovela, Thai, Japanese and Chinese TV series.

The emergence of various streaming platforms cannot be ignored dahil ito ngayon ang uso at bagong teknolohiya na nagging mas malakas nung kasagsagan ng pandemya na hindi makalabas ang mga tao, sarado ang mga sinehan at nahinto ang iba’t ibang entertainment circuit. Walang ibang pinagkalibangan ang mga tao kundi ang various streaming platforms.

Polo nauna ang anak kaysa kasal

PoloPolo1INAMIN ng 40-year-old actor na si Polo Ravales na hindi umano pumasok sa kanyang isip noon ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

It was on Christmas day nung 2017 nang bigla umano niyang maramdaman ang emptiness matapos ang celebration ng Pasko ng kanilang pamilya. Kinagabihan, nagdasal umano siya na sana’y makahanap siya ng isang babaeng mamahalin at magmamahal din sa kanya. Three days later, nakilala niya ang sagot sa kanyang dasal nang isang common friend ang mag-invite sa kanya sa isang blind date.

His friend showed her a picture of the girl. Nang makuha ng actor ang name ng girl ay nag-Goggle siya para may idea siya kung sino ang kanyang kakatagpuin. The girl lives in Paranaque habang sa Quezon City naman nakatira ang actor kaya nag-desisyon silang magkita sa isang bar sa BGC for them to meet halfway.

The girl is Paulyn Quiza, dating campus radio DJ, isang fitness coach and entrepreneur, annulled from her first marriage (na tumagal lamang ng tatlong taon) at merong 12-year-old son.

The two were both excited sa kanilang unang pagkikita kahit na Polo was two hours behind dahil nanggaling pa ito sa gym.

They had a good impression on each other at agad niyaya ng actor si Paulyn na mag-dive in Batangas pero tinanggihan naman ito ng huli.

Halos medaling araw na silang natapos sa kanilang meet-up along with some friends. They started communicating.

On New Year’s eve, unang ipinakilala ng actor si Paulyn sa kanyang pamilya at saka sila tumuloy sa bahay ng fitness coach in Paranaque para ipakilala naman si Polo sa kanyang pamilya. Nabigla ang parents ni Paulyn dahil ito umano ang unang pagkakataon na nagsama ito ng guy sa kanilang bahay after she got separated from her ex-husband three years ago. Pero kalaunan, dahil ipinakita ng actor kung gaano siya kaseryoso sa kanilang anak ay tinanggap nila ito.

Kalaunan, na-engaged na sina Polo at Paulyn, pero naunang isilang ang kanilang unang supling na si Yatrick Paul bago pa ang kanilang kasal. Yatrick was born on October 5, 2021.

Paulyn admitted that she got married early at 23 kaya marami umano siyang na-miss.

Bago naman nakilala ni Polo si Paulyn ay na-link siya noon kina Sunshine Dizon, Jean Garcia, Ara Mina at Alessandra de Rossi.

Bossing Vic siyam na ang apo

DanicaDanica1Danica2Danica3SIYAM na ang apo ng veteran actor-comedian-host at producer na si Vic Sotto sa pagsilang ng ikatlong anak ng kanyang panganay na anak (sa ex-wife na si Dina Bonnevie) na si Danica Sotto-Pingris at mister nitong si Marc Pingris.

Jean-Luc ang pangalan ng bagong silang na baby ng mag-asawang Marc at Danica. Ang dalawang elder children ng mag-asawa ay sina Jean Michel at Annielle Micaela.

Bukod sa tatlong apo sa mag-asawang Marc at Danica, lima naman ang apo ni Bossing (Vic) sa kanyang second child (also with Dina) na si Oyo Sotto at misis nitong si Kristine Hermosa at may isa siyang apo sa mag-asawang Paulina at Jed Llanes.

Natutuwa siyempre si Bossing sa kanyang lumalaking pamilya. Wala pa lamang siyang apo ay kay Vico Sotto, mayor ng Pasig na hanggang ngayon ay wala pang girlfriend at tila wala pang planong mag-asawa.

Pera ng female personality winaldas ng mister sa ibang babae

NALULUNGKOT kami para sa isang kilalang personalidad na sa kabila ng kanyang successful career sa mahabang panahon ay hindi man lamang nakapagpundar ng sariling bahay dahil sa pagiging mapagtiwala sa kanyang mister.

Nadiskubre na meron pala itong ibang babae na matagal-tagal na niyang karelasyon.

Ang anak mismo ng mag-asawa ang nakadiskubre sa pinaggagawa ng ama.

Ang malungkot, hindi ang female personality ang may hawak ng kanyang kinikitang pera kundi ang kanyang mister na winawaldas naman umano nito sa kanyang babae.

Nakakaawa ang sitwasyon ng female personality ngayon maging ng kanyang mga anak dahil wala silang kapera-pera at kailangan na nilang bumukod bago pa man sila lalong maghirap.

Ngayon, ayaw na rin niyang bumalik sa kanilang nirerentahang bahay kasama ang mga anak.

Dahil mabait at marunong makisama ang female personality, marami ang gustong tumulong sa kanya para makapagsimula muli.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE