Billy

Billy kay Alex: Siya ang kauna-unahang nag-trending nang masama sa birthday

January 21, 2023 Vinia Vivar 316 views

Dahil sa katakut-takot na bashing na nararanasan ngayon ni Alex Gonzaga kaugnay ng icing-smearing incident, maging ang co-host niya sa Tropang Lol ay awang-awa na sa kanya.

Nakausap ng entertainment press si Billy last Thursday sa grand media launch ng bagong streaming application na Viva Prime at isa nga sa napag-usapan ang talk of the town ngayong icing incident ni Alex.

Nakausap daw niya si Alex after the incident at biniro pa niya ito.

“Sabi ko, ‘ayan ka na naman, laman ka na naman ng news, congratulations, trending ka na naman,’” natatawang kwento ni Billy.

“Siya ang kauna-unahang nag-trending nang masama sa birthday,” natatawa pa niyang dagdag.

“Kawawa naman, naaawa na ako sa kanya, sa totoo lang. Pero God works in mysterious ways, sinasabi ko sa ‘yo. We’ll learn our lessons at the end of the day,” aniya.

Ayon pa kay Billy, alam naman ni Alex na mali ang nagawa nito kaya time to move on na raw.

“I think, she knows what she’s done and kung ano naman ‘yung mali sa isang tao, ‘di ba? Pero I think it’s time to move on. Mas maraming importanteng mga bagay na nasa paligid natin na kailangan nating pag-usapan, sa totoo lang. I think, we’re really feasting on negativity around us,” he said.

Wala naman daw perpektong tao at siya man ay nagawa na ring magpahid ng cake sa barkada niya.

“Ako, guilty ako before, namamahid ako ng cake (icing) sa barkada ko pero kahit paano, you have to know your consequences kahit paano.

“So, alam ni Alex kung anong mali ang ginawa niya and she’s really sorry naman,” sey ni Billy.

Samantala, bukod sa Vivamax, naglabas na naman ng isa pang streaming app ang Viva Entertainment, ang Viva Prime.

Kung ang Vivamax ay pang-adults, ang Viva Prime naman ay more on pang-pamilya ang contents at pwedeng panoorin ng mga bata.

For its opening film, ang blockbuster hit na Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap ang mapapanood sa pagbubukas ng app sa Jan. 29.

Ang Viva Films library consisting of movies of Sharon Cuneta, Vilma Santos, Nora Aunor, Sarah Geronimo, JaDine na nasa Vivamax ay ililipat na raw sa Viva Prime, gayundin ang mga Viva Live concert.

Sa ngayon, at least ay one title per week daw ang kanilang ilalabas.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi na gagawa ang Viva Films ng mga pelikulang ipalalabas sa sinehan.

Of course, iba pa rin daw ang theatrically-released movie pero siyempre, times are changing at kailangan din nating maka-adapt sa digital world.

KAPAMILYA SHOWS, TAMPOK SA INDONESIA AT AFRICA

Sa pagbubukas ng taong 2023, patuloy pa rin ang ABS-CBN na maghatid ng de-kalidad na mga programa sa iba’t ibang dako ng mundo, hatid ang dalawa sa hit primetime serye nitong Mars Ravelo’s Darna sa Indonesia at Viral Scandal sa Africa.

Habang patuloy nasusubaybayan si Jane de Leon bilang Darna sa Pilipinas ay napapanood na rin ng Indonesian viewers ang Bahasa Indonesian-dubbed version ng makabagong kwento ng iconic Pinoy superhero sa free TV network na ANTV.

Sa pagtatapos ng pilot week nito, naging maganda ang pagtanggap ng Indonesian viewers sa kwento ni Narda at mas napabilib sa kanyang unang transpormasyon bilang Darna.

Ibinahagi rin ng ANTV chief program and communications officer na si Kiki Zulkarnain ang kanilang galak na dalhin sa Indonesia ang kwento ni Darna, na layon ding magbigay inspirasyon sa Indonesian viewers.

Samantala, palabas na rin ang teleseryeng pinagbidahan noon nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Dimples Romana at Jake Cuenca na Viral Scandal sa 41 bansa sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang Nigeria, Ghana, Seychelles at Ivory Coast.

Iikot ang serye sa laban ni Rica (Charlie) na makamit ang hustisya mula sa mapamantalang eskandalo na pilit sisira sa kanyang reputasyon at ng kanyang pamilya.

Ilan lamang ito sa mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.

Kabilang sa mga itinampok na de-kalibreng programa abroad ay ang FPJ’s Ang Probinsyano, Sino ang Maysala?: Mea Culpa, La Luna Sangre, Since I Found You, Ang sa Iyo ay Akin at The Legal Wife sa Africa, ang 2015 remake ng Pangako Sa ‘Yo sa Latin America, The Blood Sisters sa overseas territories ng France at kamakailan tatlo sa primetime serye nitong Marry Me, Marry You, On the Wings of Love at Halik sa Malaysia.

AUTHOR PROFILE