Isko

Top NCR Mayors uninhibited, nangunguna sa survey

July 16, 2021 People's Tonight 443 views

JosephinaVicoSI Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang nakakuha ng topmost approval rating sa mga Metro Manila mayors na may 87%, kasunod si Mayor Victor Maria Regis “Vico” Sotto ng Pasig City na may 86%, pangatlo si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 80%, pang-apat si Mayor Rexlon “Rex” Gatchalian ng Valezuela City na may 79%, at panglima si Mayor Tobias “Toby” Tiangco ng Navotas City na may 77%.

Sa Quezon City, si Belmonte na may 65 percentage ang nanguna sa ratings sa pagka-alkalde habang si Cong. Michael “Tan” Defensor ay mayroon namang 24 percentage mark.

Si City Councilor Winston “Winnie” Castelo ay nakakuha ng 52 percentage tally at hahamunin ang kanyang kaanak at anak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na si incumbent Vice Mayor Gian Sotto na nakakuha ng 40-percentage voter support.

Sa Congressional fights naman, sa District 1, ang celebrity na si Juan Carlos “Arjo” Atayde ay nakakuha ng 20 percentage result at hahamunin si Cong. Anthony “Onyx” Crisologo na nakakuha ng 39 percentage lead.

Ang venerated broadcast journalist na si Rafael “Raffy” Tulfo na may 42 percentage score ay nangunguna naman sa karera sa District 2 laban kay incumbent Cong. Precious Hipolito-Castelo na may 35-percent votes.

Habang sa District 3, si Cong. Allan Reyes ay nakakuha ng 48 percentage points laban kay Coun. Franz Pumaren na may 37 percentage rating.

Si Cong. Jesus “Bong” Suntay ay nakapagtala ng 45 percentage points laban kay Marvin Rillo na nakakuha ng 31 percentage points sa District 4. Ang kapatid ng celebrity turned Congressman na si Alfred Vargas, na si Coun. Patrick Michael Vargas ay mayroon namang 42 percentage tally ay nasa close fight kay Coun. Karl Castelo na nakakuha ng 40 percentage score, habang ang aktres na si Aiko Melendez ay nakakuha lamang ng seven percentage assessment sa District 5.

Sa District 6, si Coun. Marivic Co-Pilar ay nakakuha ng malakas na suporta sa 56 percentage points laban kay dating Congressman Vincent “Bingbong” Crisologo na mayroon lamang nakuhang 22 percentage kasunod si Coun. Diorella “Lala” Sotto na may 19 percentage mark.

Kung tatakbo naman si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagaso para sa re-election, ay inaasahang magiging unopposed ito. Kung magpasya naman si Moreno na tumakbo para sa national office ay inaasahang magkakalaban para sa City Mayor sina Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna na nakakuha ng 44 percentage rating laban kay Cong. Manuel “Manny” Lopez na may 36 percentage rating.

Sa Pasig City, si incumbent Mayor Victor Ma. Regis “Vico” Sotto ay nakikitang ‘unchallenged’ ngunit kung lalabanan siyang muli ni dating Mayor Robert “Bobby” Eusebio, ang kanyang pinakahuling voters’ preference ay nasa 25-percentage points lamang kumpara sa 68 percentage points ni Mayor Sotto.

Ang last termer na si Mayor Rexlon Gatchalian ng Valenzuela City ay tatakbo sa pagka- Congressman sa unang distrito habang isa pang Gatchalian ang tatakbo naman sa mayoralty position nang unrepressed.

Top 5 local chief executive Mayor Toby Tiangco ng Navotas City ay nakikita ring ‘unimpeded.’

Sa San Juan City, si current Mayor Francisco “Francis” Zamora ay nakakuha ng 47-percentage result habang si former contender Janella Ejercito Estrada ay nakakuha naman ng 35-percentage score mula sa mga respondents.

Inaasahan namang patatakbuhin ni non-re-electionist Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa mayoralty race sa Caloocan City ang kanyang anak na si Congressman Dale “Along” Malapitan na nakakuha ng 55 percentage result at makakalaban nito si Congressman Edgar “Egay” Erice na nakakuha ng 39 percentage mark sa survey.

Sa puntong ito sa Parañaque City, ang kapatid ng outgoing Mayor Edwin Olivarez’ na si Cong. Eric Olivarez ang inaasahang tatakbo sa pagka-alkalde at nakakuha ng 40 percentage result laban sa dating Congressman Gustavo “Gus” Tambunting na mayroong 52-percentage count.

Ang re-electionist NCR Mayors na sina Marcelino “Marcy” Teodoro ng Marikina City, Carmelita “Menchie” Abalos ng Mandaluyong City, Lino Cayetano ng Taguig City, Mar-len Abigail “Abby” Binay ng Makati City, Imelda “Emi” Calixto ng Pasay City, Imelda “Mel” Aguilar ng Las Pinas, Miguel “Ike” Ponce III ng Pateros ay natukoy na walang mga makakalaban sa halalan.

Mataas rin ang winnability ni Congressman Rozzano “Ruffy” Biazon, na may 58 percentage tally, kung tatakbo sa pagka-alkalde ng Muntinlupa City laban kay former Mayor Aldrin San Pedro na nakakuha naman ng 27 percentage record.

Si dating Congressman Federico “Ricky” Sandoval II ay nakakuha naman ng 55 percentage mark laban sa inaasahang makakalaban sa mayoralry race sa Malabon City na si City Councilor Jose Lorenzo “Enzo” Oreta na may 33 percentage result.

Ang “NCR Halalan 2022 survey” ay isinagawa mula July 3 hanggang 10, 2021 ng independent at non-commissioned survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc).

AUTHOR PROFILE