Top MWP huli ng PS-5

August 23, 2021 Francis Naguit 369 views

PINANGUNAHAN ni PCol. Evangeline M. Cayaban at mga tauhan nito ang pag-aresto sa isang most wanted person na kinilalang si Reynaldo Sordilla, 44, may asawa, at tubong San Jose Caba, La Union.

Ang suspek ay naaresto ng pinagsanib-puwersa ng intelligence section at ni Lt. Veronica F. Apresurado, kasama ang mga taga-La Union provincial police office sa pangunguna ni PSSG. Michael G Diaz.

Ang nasabing suspek may kasong paglabag sa Section 5 (b) RA 9262. Isang warrant of arrest ang inissue laban sa kanya ni Judge Ferdinand A. Fe, ng RTC Branch 67 sa Bauang, La Union.

Si Sordilla nahuli sa loob ng kaniyang tinutuluyan sa 16 Mindoro St., Luzviminda C, Quezon City.

Ang suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng Station 5 para sa kaukulang documentation. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE