Default Thumbnail

Top 5 MWP sa Maynila timbog

June 7, 2022 Jonjon Reyes 299 views

ISANG top 5 na most wanted sa station level ng Manila Police District (MPD) ang nalambat matapos ihain ang arrest warrant laban sa suspek dahil sa pagdadala ng baril sa Tondo, Maynila.

Kalaboso sa bilangguan ng MPD-Station 2 ang suspek na naninirahan sa Antonio Rivera St., Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng MPD-Station 2, bandang 10:35 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa isang lugar sa Mabini St., Bgy. 105 sa Tondo.

Pinangunahan ni P/Maj. Joseph Jimenez ng Warrant and Follow Up Section katuwang ang ilang tauhan ng NCRPO-RMFB 3rd MFC na pinamunuan ni P/Maj. Edgar Dimaunahan nang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Ana Narleah Malayas Bonifacio-Cruz ng Regional Trial Court Branch 173 ng Maynila at may inilaang piyansang P120,000.

AUTHOR PROFILE