Toni

Toni, ayaw tantanan ng haters at bashers

January 18, 2023 Jun Nardo 321 views

PUMIYOK na ang producer ng concert ni Toni Gonzaga na si Joed Serrano upang isigaw sa 15 percent na lang ang hindi pa nabebenta sa tickets niya.

Eh, sari-saring fake news kasi ang naglalabasan na dumano ay ipinamimigay ang tickets sa concert ni Toni, huh!

Bakit daw sila bibili ng ticket worth P10,000, eh, ano ba ang kaya niyang gawin sa concert?

Ayaw pa ring talagang tantanan ng bashers at haters si Toni. Hindi pa rin sila maka-move-on sa ginawa niyang pagsuporta bago ang eleksiyon kay President BBM.

Pero heto ang latest na issue matapos magsalita ni Joed sa bentahan ng tickets. Binayaran daw ng mga kaibigan niyang sponsors sa show ang mga ticket kaya paubos na ito, huh!

Nakakatawa naman talaga ang haters ni Toni.

Sa concert day na lang natin alamin kung papasukin o lalangawin ang concert niya, huh!

ALMEDA TWINS, WINNER KAY CHRIS BROWN

BUMILIB ang foreign singer na si Chris Brown nang mapanood ang TikTok ng Almeda twins na sina Kitty at Kakai na nagsasayaw sa treadmill ng kanta niyang Wet The Bed.

Ni-repost pa ni Brown sa kanyang Instagram Stories ang performance ng kambal na meron nang 13.2 million views sa TikTok, huh!

Ang simpleng caption na, “This fire!” ang inilabas ni Brown.

Ipinamalas ng kambal ang kakaiba nilang husay sa pagsasayaw habang nasa treadmill.

Imagine, isang Chris Brown ang pumansin sa Almeda twins, huh!

Winner!

AUTHOR PROFILE