Kimxi

Pakikipaglaplapan ni Kim sa ibang artista, walang problema kay Xian

January 18, 2023 Vinia Vivar 292 views

Bilang isang direktor, isa sa mga nilu-look forward ni Xian Lim ay maidirek sa isang proyekto ang girlfriend na si Kim Chiu.

“Definitely, if given the chance, oo naman. ’Di ba, parang ang sarap naman nu’n na ‘yung partner mo, nakakasama mo sa set? Para lang kayong naglalaro.

“So, yes, definitely, one day, if mabigyan po ng opportunity,” sabi ni Xian nang makatsikahan namin sa mediacon ng pelikulang Hello, Universe na kanyang idinirehe.

Of course, love story raw ang naiisip niyang gawing materyal for Kim, pero pagdating sa leading man, okay lang naman daw kung iba at hindi na siya.

“I think, mas matutukan ko siya if meron po siyang ibang leading man. Pero siyempre, ako muna ‘yung first choice (sabay-tawa). ‘Pag wala na talaga…,” sey niya.

“Para lang mas matutukan ko kasi alam ko ‘yung mga story na gusto ni Kim, eh, anong gusto niyang mga character pa. Napag-uusapan namin ‘yan, eh.

“I wanna be able to give her the best. Gusto ko siyang matutukan. Mahirap naman kung tututukan ko siya, tapos ako rin, tututukan ko ang sarili ko sa acting,” dagdag pa ng aktor/direktor.

Kaya ba niyang idirek si Kim ng kissing scene with another actor?

“Definitely. I think, nalagpasan na po namin ‘yung ganoong… nag-mature na rin po ‘yung relationship namin to the point kaya naming panoorin ang isa’t isa na merong partner,” he said.

Alam naman daw nilang magkakaroon talaga sila ng iba’t ibang kapareha and of course, kasama na rito ang kissing scenes.

Bagama’t ibang level naman ‘yung siya mismo ang magdidirek, feeling ni Xian ay mairaraos naman niya ito.

“As artistas and as artists and bilang ginagawa namin ito nang matagal na, understood na po namin na trabaho lang po ‘yun, eh, and it’s for the sake of our craft,” he said.

Isa rin daw sa mga pangarap niya bilang direktor ay makasali sa Metro Manila Film Festival, gayundin sa mga international filmfest.

Sa comedy film na Hello, Universe!, first time naidirehe ni Xian ang mga beterano na sa pagpapatawa na sina Janno Gibbs, Anjo Yllana, Gene Padilla at Benjie Paras.

Talagang hindi raw siya nahirapan dahil very collaborative ang mga ito at ibinigay daw talaga ang kanilang 100 percent para sa ikagaganda ng movie.

Showing na sa mga sinehan ang Hello, Universe sa January 27 mula sa Viva Films.

AUTHOR PROFILE