Titosen

Tito Sen, tinuldukan ang isyu ng ‘rebranding’: ‘Eat Bulaga’ is here to stay and we’re there to stay

March 13, 2023 Vinia Vivar 449 views

Sa gitna ng mga tsismis at kontrobersiya ngayon sa Eat Bulaga, nagsalita na si former Senator Tito Sotto at siniguradong hindi sila mawawala sa nasabing noontime show.

“We’re there, Eat Bulaga is there, Tito, Vic, & Joey,” tila pagtuldok ni Tito Sen sa isyu sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa programa nitong Korina Interviews sa Net 25.

“Siguro, ‘yung mga lumalabas na kwento at kung anu-ano, hindi ko na ia-address dahil kung anu-ano na ‘yung lumabas, eh. Perhaps the important thing to say is, Eat Bulaga is here to stay and we’re there to stay,” ang deklara pa ni Tito Sen.

Hindi na nagdetalye or nag-elaborate pa ang veteran comedian/singer/TV host/politician sa kanyang pahayag pero kung sinabi niyang mananatili sila sa programa, ibig sabihin ay hindi totoo ang mga naglalabasang kesyo aalisin na ang Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga, na kesyo papalitan na ang titulo, kesyo mawawala na ang EB, etcetera.

Sa nasabing panayam ay napag-usapan din ang pagsisimula ng EB 44 years ago.

Ayon kay Tito Sen, very involved sila sa show mula nang magsimula ito.

“The name Eat Bulaga, was coined by Joey. He owns it. Ganu’n ‘yun, eh. The song was created by Vic, he owns it,” sey ni Tito.

AUTHOR PROFILE