Moira

Dating dyowa ni Moira, nagnenegosyo sa El Nido

March 13, 2023 Jun Nardo 277 views

NAKORNER ng entertainment press ang ex-dyowa ng singer na si Moira de la Torre na si Jason Marvin Hernandez sa mediacon ng GMA series na The Write One.

Si Jason ang kumanta ng theme song ng series na Oras.

Palibahasa, kilala rin siya ng press kaya natanong sa kanya ang kalagayan niya after ng hiwalayan with Moira.

“I’m okey na. Sa simula, masakit pero okay na.

“Mas focused ako sa family, friends, business,” simula ni Jason.

Sa El Nido, Palawan na naninirahan si Jason kung saan may negosyo siya.

“Masaya ang buhay doon. Namamalengke ako at maraming kaibigan. Introvert pa rin naman ako, hahaha!” sabi pa ni Jason na bumabalik sa Manila ‘pag may work.

Bida pala sa The Write One sina Bianca Umali, Ruru Madrid, Paul Salas at Mikee Quintos.

Ngayong March 18 ang streaming nito sa Viu app at sa March 20 mapapanood sa GMA Telebabad.

REGAL, PAHINGA MUNA SA ‘MANO PO LEGACY’

BAGONG series ang sisimulan ng Regal Entertainment sa GMA simula sa June.

Pahinga muna sa Mano Po Legacy series ang Regal at ang Regal Studio Presents pero tuluy-tuloy ang pagggawa nito lalo na’t nag-renew na ito ng kontrata sa GMA.

Eh, ‘yung movies ng Regal natapos na, nabenta na sa isang foreign streaming app gaya ng Netflix pero ayaw muna sabihin ni Ma’am Roselle Monteverde kung anong platform ‘yon lalo na’t alam niyang mahina pa rin sa sinehan ang local movies.

AUTHOR PROFILE