Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 17, 2023 People's Tonight 277 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4Tiktok5PAMILYAR sa netizens ang social media influencer/sexy actress na si Angela Morena dahil sa tita niyang si Lara Morena.

Isa si Lara sa mga sumikat na aktres noong dekada ’90 na kamakailan lamang ay nag-stage ng comeback sa mga pelikulang Pornstar 2 at Siklo.

Hindi lang sina Angela at Lara ang nasa showbiz mula sa kanilang pamilya. Artista na rin ang mga kapatid ni Angela na sina Stephanie at Micaella Raz.

Dahil mas bago sa industriya, nagsisilbing mentor nila ang kanilang Tita Lara.

So far, napanood na si Angela sa mapangahas na mga pelikulang Kinsenas Katapusan, Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! (O sige) at X-Deal 2.

Aktibo rin ang Marketing graduate sa digital world bilang social media influencer.

Sa Tiktok, libu-libo ang followers ni Angela na bukod sa pagmomodelo at pag-arte ay mahilig ding magbasa ng mga libro at magsulat ng mga tula.

AUTHOR PROFILE