Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 25, 2024 People's Tonight 186 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4MAPAPAKANTA ka na lang talaga ng “sabay-sabay tayo kapag ang TikTok star na si Marian na ang gumiling.

Sa halos 800 thousand niyang followers sa TikTok, Si Marian Dolliente at ang account niyang @mriaroxn ay talaga namang nakagawa na ng ingay sa nasabing video-sharing app. Palong-palo kasi yung maki-join ang social media star sa mga trending dance challenge habang suot ang kanyang sexy outfits para talagang hahalimuyak ang kanyang karisma.

Kering-keri rin niya ang mag-lip sync at ibida ang kanyang lifestyle. Bukod pa rito, winner din ang kanyang kaseksihan sa account niya sa Instagram na @mroxnn. Bagay na bagay sa pagiging fashionista ang flawless face and body ni Marian. Magwawala ang kahit na sinong barako kung masusulyapan ang kanyang effortless beauty sa mga selfies.

Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body, beauty, at skin ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Marian sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE