Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 23, 2024 People's Tonight 94 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4WITH a smile like a shimmering vista, her presence fills the room with a gentle enigma, they call her Jica. Siya ang TikTok star na kayang ibida ang kabogerang ganda.

Si Jica Dagayloan ay isang social media star na may halos 300 thousand followers sa TikTok account niyang @jicafuego, kung saan ipine-flex niya ang kanyang lifestyle. Game na game rin sa dance at lip syncing viral challenges ang dalaga.

Kering-keri niya ring magbigay ng beauty at skin care tips. Sa katunayan nga ay todo-endorse rin si Jica ng mga produkto mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Bukod sa pagiging looking expensive ng awra, fresh at flawless din ang digital creator sa account niya sa Instagram na @jicafuego. Winner siya sa bikini dahil sa taglay na kakinisan ng katawan at perpekto niyang kurba. Kaya nga kahit may nobyo man si Jica, nakasuporta pa rin sa kanya ang mga male fans dahil sa alindog nito.

AUTHOR PROFILE