Lovi may bagong Hollywood projects

March 23, 2024 Aster Amoyo 355 views

Lovi2Lovi1INIWAN man ng 35-year-old singer-actress ang kanyang co-lead role sa tumatakbong top-rating at long-running action-drama series na “Batang Quiapo” na pinagbibidahan, co-directed and co-produced by Coco Martin at sa mga future Filipino films and other projects, she has gained Hollywood lalupa’t isang film producer ang kanyang British husband na si Montgomery `Monty’ Blencowe na naka-base in Los Angeles, California, USA.

Isa si Lovi sa pinakabagong Filipino singer-actress who migrated to the U.S. dahil sas pagt-aasawa. The couple got married on August 26, 2023 in Cliveden House, Bershire, England.

Bukod sa kanyang pagiging filmmaker, Monty holds multiple degrees na may kinalaman sa science -Biomedical Science, Physiological Science and Molecular, Cellular and Integrative Physiology at siya’y nag-aral sa University of California, Los Angeles (UCLA). Sa L.A. na rin siya nag-base sa halip na sa kanyang hometown in England. Pero sa halip na kanyang i-practice ang kanyang tinapos ng kurso, napunta siya sa hindi niya inaasahang field, ang filmmaking. It was also in L.A. nang makilala ni Monty si Lovi.

Mabigat man sa loob ni Lovi ang talikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, magiging masaya naman siya sa piling ng kanyang mister and a brighter future in Hollywood not only because of her husband’s Hollywood connections kundi dahil sa kanyang talent bilang mahusay na actress.

Matapos gawin ni Lovi ang American indie movie na “Bad Man” with “American Pie” star na si Seann William Scott, nakatakda namang simulan ng Filipina actress ang isang mainstream Hollywood movie kung saan niya makakatambal ang Canadian actor na si Adam Beach to be produced and directed by Garry A. Brown, ang film producer and director na “Prison Break” at Marvel’s “Angels S.H.I.E.L.D.” based on a true-to-life story ng isang American fire captain na si Paul Fullerton na gagampanan ni Adam Beach habang si Lovi naman ang gaganap na wife ni Fullerton.

Si Lovi ang bagong karagdagan ng mga Filipino actor na nakapasok sa Hollywood.

Ang buhay ni Coney Reyes

ConyCony1Cony2Cony3Cony4ANG veteran award-winning actress and former TV host na si Coney Reyes ay naging Baron Girl finalist nung 1974 bago niya pinasok ang showbiz on same year. First movie niya ang “The Return of the Dragon” with the late Ramon Zamora” na sinundan ng “7 Crazy Dragons” at magmula noon ay naging sunud-sunod na rin ang kanyang paggawa ng pelikula tulad ng “Bornebol: Special Agent,” “Basta’t Isipin Mong Mahal Kita,” “Mga Anting-Anting ni Ompong,” “Nagbabagang Asero” at iba pa. Naging bahagi naman siya ng now-defunct long-running noontime show, ang “Student Canteen” with the late Eddie Ilarde, Bobby Ledesma at Pepe Pimentel kung saan siya nanatili ng pitong taon mula 1975 hanggang 1982. Nung 1982 ay lumipat siya sa rival noontime program ng “Student Canteen” nina Tito, Vic & Joey na napapanood pa noon sa RPN9. At that time ay hiwalay na noon si Coney sa kanyang cager ex-husband na si Larry Mumar kung kanino siya nagkaroon ng dalawang anak na sina LA at Carla Mumar.

Nung nasa “Eat Bulaga” pa si Coney ay nagkaibigan sila ng ex-husband ng aktres na si Dina Bonnevie at isa sa pioneer hosts ng noontime program na si Vic Sotto at nagkaroon sila ng anak, si Pasig City mayor Vico Sotto. Although pareho nang annulled ang marriages noon nina Coney at Vic sa kanilang respective ex-partners na sina Larry at Dina, hindi ito nauwi sa pagpapakasal ng dalawa at sa halip ay nauwi rin sa hiwalayan. Pero ang maganda ay nanatiling magkaibigan sina Vic at Coney.

At the peak of Coney’s career ay naging successful host-producer siya ng kanyang iba’t ibang drama anthology on TV tulad ng “Coney Reyes Mumar Studio” nung 1977, “Coney Reyes Mumar On The Set” nung 1981 at “Coney Reyes On Camera” mula 1984 up to 1998 na sobrang tumatak sa mga manonood.

Taong 1996 nang maging bahagi si Coney ng Christian religious TV show na “The 700 Club Asia” hanggang ngayon.

Although it’s been 26 years since she last hosted her weekly drama anthology on TV na “Coney Reyes on Camera,” doon pa rin siya natatandaan ng mga televiewers 30 years old and above. Pero huminto man si Coney sa kanyang hosting job sa telebisyon , nagpatuloy naman siya bilang isang mahusay na aktres both sa TV at pelikula.

Natatandaan din siya ng mga televiewers sa kanyang popular TV series nung 2011 na “100 Days in Heaven,” “Nathaniel” in 2015 at “My Dear Heart” in 2017.

Natutuwa rin si Coney na naging bahagi siya sa makasaysayang hit movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “Rewind” na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema and AgostoDos Productions (ni Dingdong Dantes) which broke all existing box office records. Ang nasabing pelikula na mapapanood na on Netflix ay naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival at 1st Manila International Film Festival in Hollywood, USA at napanood din sa iba’t ibang bansa.

Constancia Angeline Reyes Nubla in real life, Coney will celebrate her 70th birthday on May 27.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE