Daniel

DANIEL NAG-REACT SA VIRAL VIDEO: ANG OA NG MGA TAO

May 2, 2024 Vinia Vivar 74 views

“Ang OA ng mga tao.”

‘Yan ang naging reaksyon ni Daniel Padilla sa nag-viral na video kung saan ay kinakanta niya ang Hinahanap-hanap Kita ng Rivermaya sa kanyang birthday celebration kamakailan.

Sa interview ni MJ Marfori ng TV5, ani Daniel, nag-enjoy lang siya sa pagkanta.

“Masyadong OA ‘yung mga tao. Nag-i-enjoy lang akong kumanta,” sey ni DJ.

Matatandaan na nag-viral ang video ni Daniel kung saan ay dinagdagdan niya ng mura ang lyrics ng Hinahap-hanap Kita.

“Puso mong biglang lumisan, P**tang i*a! May kapiling ka nang iba!” ang pakantang sigaw ni Daniel.

Maririnig din sa video ang palakpakan at hiyawan ng mga taong dumalo sa kanyang birthday party.

Mabilis nga itong kumalat at sari-sari ang reaksyon ng netizens. Ikinonek agad ito sa pagkaka-link ngayon ng ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo kay Alden Richards.

Feeling ng netizens ay nagseselos si Daniel kay Alden, lalo pa nga’t maingay ngayon na gagawin ng KathDen sa Canada ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye.

Samantala, isa pala si Daniel sa mga may-ari ng bongga at mala-Disneyland na theme park sa Tanauan, Batangas, ang J Castles, na nagkaroon ng soft opening nitong Miyerkules.

Makikita sa Instagram post ni MJ ang ilang mga kaganapan sa soft opening kung saan niya nakapanayam si Daniel.

Ayon kay DJ, hands-on siya sa creative at pag-conceptualize ng theme park.

Sa nasabing theme park din nagkaroon ng birthday party si Daniel last April 26, kung saan nga niya kinanta ang kontrobersyal na Hinahana-hanap Kita version.

AUTHOR PROFILE