Bea

Bea nagsampa ng mga kaso laban kina Ogie at Cristy

May 2, 2024 Vinia Vivar 70 views

Dumulog sa Quezon City Prosecutor’s Office si Bea Alonzo kahapon para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber libel laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Ibinalita ito ni Nelson Canlas ng 24 Oras sa Instagram kalakip ang larawan ni Bea na nanunumpa sa Prosecutor’s Office ng QC.

“Naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama na ang kanilang mga co-host sa kani-kanilang online programs,” ani Nelson sa caption.

“Kasama rin sa inireklamo ng Kapuso actress ang isang online basher na nagpapanggap na malapit sa kanya,” patuloy niya.

“Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea na naging biktima siya ng mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya at inilathala at pinag usapan sa online shows nina Fermin at Diaz nang walang basehan.

“Kasama dito ang umano’y sunud-sunod na paninira kay Bea sa kanilang mga columns at mga show.

“Kabilang na ang issue na umano’y ‘di pagbabayad ng tamang buwis ng aktres.

“Kasama ni Bea sa filing ang kanyang abogadong si Atty. Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.

“Nagpadala na ng text message ang GMA Integrated News sa mga respondent para kunin ang kanilang reaksyon,” saad ni Nelson.

Nagpadala rin kami ng mensahe kina Ogie at ‘Nay Cristy para kunin ang kanilang panig o pahayag, pero habang sinusulat namin ito ay wala pa silang sagot.

Samantala, sinagot na rin ng Vivamax star na si Angeli Khang ang tungkol sa pagkakasangkot niya sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque.

Nadamay ang pangalan ng sexy actress sa BeaDom breakup dahil nga pinapanood ni Dominic ang mga pelikula ni Angeli sa Vivamax.

Sa latest interview ng Vivamax Queen sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi niya na fake news ang mga intrigang may something sila ni Dominic.

“Fake news po, fake news siya. Hindi po, actually hindi po kami — never ko pa po naka-work si Bea and Dominic. And I hope I (get to) work with them soon,” sey ni Angeli.

Aniya pa, hindi sila personal na magkakilala ni Dominic.

Pero aminado siya na marami ang naniwala sa tsismis at naramdaman niya ito kapag lumalabas siya.

“Tingin sa akin ng mga tao kapag lumalabas ako na taray na taray talaga sa akin, parang ako talaga ‘yung reason ng breakup nila. Gusto kong mag-explain sa kanila, wait, hindi po, hindi po kami magkakilala,” aniya.

“Every time po na lumalabas ako, nakikita ko ‘yung mga tingin sa ‘kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako,” sey pa niya.

Ang ending, one week umano siyang hindi lumabas ng bahay dahil dito.

“Kaya nu’ng time na ‘yun hindi muna ako lumabas ng one week. Hindi muna ako nagpakita sa lahat,” sey ng bagong cast ng Black Rider ni Ruru Madrid.

AUTHOR PROFILE