Dave

Dave mas bet ang lalaking anak kay Ara

May 2, 2024 Vinia Vivar 61 views

Happy na sa career, happy pa sa married life. ‘Yan ang mag-asawang Ara Mina at Dalve Almarinez na parehong nagsusuportahan sa kani-kanilang mga karera.

Suportado ni Ara ang mga endeavor ng mister, be it in politics or business, at si Dave naman ay full-support din sa showbiz career ng aktres.

“Kabahagi lahat ng ginagawa ko si Ara. Super supportive ako sa lahat ng ginagawa niya, sa passion niya sa showbiz. Nag-i-enjoy kami sa ginagawa namin,” pahayag ni Dave sa media launch ng itinatag na PeekUp sa SM Megamall last Tuesday.

Ang PeekUp ang bagong ride-hailing app sa Pilipinas kung saan ay si Dave ang CEO at founder.

Ayon pa sa mister ni Ara, “Noong pinakasalan ko si Ara, tinanggap ko na rin ‘yung showbiz career niya kaya sinusuportahan ko talaga. Sabi nga, ‘happy wife, happy life.’ At kabahagi na iyon ng buhay namin.”

Nang matanong kung paano siya sinusuportahan ni Ara sa bagong negosyo, aniya, “Full support po ang aking asawa, in fact, she’ll be here today para maipakita ang kanyang support sa PeekUp same with Paulo Avelino na siyang endorser namin. So I think walang doubt na lahat talaga ibibigay niya ang support sa akin, sa PeekUp, wala na akong masasabi pa.”

Bukod kay Paulo, face rin ng PeekUp si Ara. In fact, sa jingle ay may participation ang kanyang maybahay.

Ayon kay Dave, 10 months in the making ang PeekUp.

“Nabuo ang PeekUp kasi kailangan ng mga Filipino ng magandang services. Kailangan natutuwa ka kasi sulit ‘yung binabayaran mo. It’s about their experience. We’re 100% Filipino. Alam natin kung ano ang gusto ng mga Filipino.

“‘Yung development ng app, 10 months in the making ‘yan. My partners are in the transport industry. We have to put a new player para may choice kasi we kept on hearing sa passengers na ang ‘mahal naman.’ To solve those problems, we built this company. Cheaper ang fare.

“Simple requirements lang tayo. Makasisiguro rin ang passengers sa security, privacy. There’s no added fee at straightforward ang approach.

Naisip pa namin na payungan sila at ipagbukas ng pinto — those are the extended services na naisip namin,” paliwanag ni Dave tungkol sa bagong ride-hailing service.

Tungkol naman sa matagal na nilang plano ni Ara na pagkakaroon ng sariling anak, wish ni Dave na sana ay makabuo na sila.

“Siyempre gusto namin magkaroon ng sariling anak. Kung anong gender, tatanggapin namin. Kung ako ang tatanungin, gusto ko boy para may tagapagmana ng apelyido ng pamilya ko. Both girls ‘yung anak ko kaya gusto namin ni Ara, boy naman. Excited ako. Sana may mabuo na.

“If that happens, we’re very ready, she’s very ready. Top priority pa rin namin ang pamilya, among others. Habang wala pa, taking advantage muna sa opportunities hanggang kaya pa ng katawan. Nagpapasalamat pa rin kami na marami pa rin siyang fans. Pero kung darating ang baby, ‘yun muna ang priority,” he said.

AUTHOR PROFILE