Default Thumbnail

Tanod pinagbabaril sa bgy. hall sa Sampaloc, dedo

September 8, 2022 Jonjon Reyes 282 views

BINUBUSISI ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa isang 51-anyos na tricycle driver kung may kaugnayan ito sa pagiging barangay tanod nito, na patraydor itong binaril sa ulo ng isa sa mga suspek sa Sampaloc, Maynila, Huwebes ng madaling araw.

Ang biktima ay barangay tanod umano at residente ng Algeciras Street, Sampaloc.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon, bandang 3:00 ng madaling araw nang barilin ang biktima sa tabi ng isang barangay hall sa panulukan ng Simoun at Cristobal Sts., Sampaloc.

Kasalukuyan umanong naka-duty ang biktima nang sumulpot ang magkaangkas sa motorsiklo, saka binaril sa likurang bahagi ng ulo at mabilis na tumakas.

Ayon sa testigo, nakaupo ang biktima ng dumating ang mga suspek na pawang nakasuot ng helmet, naka-jacket, pantalon, at naka-face mask.

Isinailalim sa awtopsiya ang mga labi ng tanod sa Cruz Funeral Morgue habang patuloy na iniimbestigahan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

AUTHOR PROFILE