Default Thumbnail

Tambay binaril sa harap ng bahay sa Tondo, dedo

January 9, 2023 Jonjon Reyes 213 views

DEAD on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isang 24-anyos na tambay makaraang magtamo ng isang tama ng bala sa kanang dibdib matapos tambangan sa tapat ng kanilang bahay, Linggo ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang bikitma ay binata at residente ng Herbosa St., Tondo.

Ayon sa ilang testigo, dalawang suspek diumano ang tinuturong mga salarin, ang isa ang tumayong backup, habang ang isa naman ang bumaril umano sa binata.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 10:30 ng gabi (Enero 8), nang barilin ang biktima sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay 91 Zone 8 sa Tondo.

Sa pagsisiyat ni Det. Rodolfo Acosta lll, may hawak ng kaso, habang nakaupo ang biktima ay nilapitan ito ng dalawang lalaki, saka biglang pinaputukan ito.

Nagawa naman umanong maisugod sa nasabing ospital ang binata, subalit idoneklara itong dead on arrival ni Dra. Michaela Cortez, attending physician.

Nakuha sa bulsa ng biktima ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu kaya ibinigay ito ng security guard ng JRMMC at itinurn over sa tanggapan ng MPD Homicide Section.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay at pagtukoy pagkakakilanlan ng mga salarin.

AUTHOR PROFILE